Linggo, Hunyo 2, 2013

Mga Dapat Gawin sa Frist Day of School


1.Gumising ng Maaga-gumising ng maaga para hindi mahuli sa klase, oo kadalasan wala pang regular class, pero mas maganda pa rin ang maaga.Hindi ko alam pero minsan kasi may magic ang first day of school.


2.Maligo-para mabuhay ang dugo at para maging fresh.


3.Magdala ng payong-panangga sa ulan sa at init ng araw. Alam mo naman ang panahon hindi rin natin alam mamaya ang taas ng araw tapos biglang didilim at biglang uulan.Kaya be ready.


4.Magsuot ng komportableng damit- para maayos tayong makakagalaw at para hindi tayo mairita, nakaiirita rin kasi yung damit na masikip, maluwag kaya para safe yung tama lang.


5.Kamustahin ang mga prof, at mga kaibigan- matagal din nating hindi nakita ang ating mga mahal na prof at kaibigan , makipagkamustahan at ikwento mo ang mga pinagkaabalahan mo nung summer.


6.Magdala ng bolpen at papel- marami sa mga estudyante ngayon ay kinukuhanan na lang ng picture ang isinulat sa board, pero iba pa din yung sinusulat kasi kapag sinulat mo ibig sabihin binasa mo at kapag binasa mo, papasok sa isip mo yung sinulat mo di ba?

7.Magpabango- para amoy fresh pa rin kahit na mainit.


8.Magdala ng camera- para may remembrance ang iyong masayang first day of school.


9.Batiin ang mga prof,gurad at iba pang school personnel- tandaan ang batang magalang ay lumaki sa kamay ng mabuting magulang.


10.Ngumiti- sympre, bawal ang bad trip kailangan good vibes.Smile J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento