Alipin na naging prinsesa,sirenang nagkaroon ng paa, pilyong
batang hindi tumatanda, puppet na humahaba ang ilong kapg
nagsisinungaling,babaeng napakahaba ng buhok, carpet na lumilipad.Natatandaan
mo pa ba? Iyan lang naman ang mga
katangian at mga nangyayari sa mga tauhan sa mahiwagang daigdig ng mga
Fairytales.
Ang mundo ng fairytales ay isang mundong lahat ay possible, mga
diwata, mga mangkukulam ,mga higante at dwende, mga magagandang prinsesa at
makikisig at matatpang na prinsipe. Lahat ay likha ng imahinasyon ng may-akda.
Kaya naman ito ay kadalsang ikinikwneto sa mga bata lalo na bago matulog para
magkaroon sila ng magagandang mga panaginip at kadalasan ang mga fairytales ay
laging nagtatapos sa “and they live happily ever after”. Laging may happy
ending.
Pero teka
nga,may “Happy Ending “ ba talaga?
Simple lang
naman ang sagot dyan eh, mayroon pero hindi palagi..
Maaring sa
isang yugto ng buhay mo ay masaya pero darating pa rin sa punto na susuko ka,
iiyak ka, mapapgod ka at aayaw ka. Nandito kasi tayo sa mundo ng realidad,
mundoing napakalayo sa mundo ng mga fairytales at sa mundo natin ang “Happy
Ending” ay nakasalalay sa ating mga kamay.