Linggo, Hulyo 14, 2013

Happy Ending




Alipin na naging prinsesa,sirenang nagkaroon ng paa, pilyong batang hindi tumatanda, puppet na humahaba ang ilong kapg nagsisinungaling,babaeng napakahaba ng buhok, carpet na lumilipad.Natatandaan mo pa ba? Iyan lang naman ang mga  katangian at mga nangyayari sa mga tauhan sa mahiwagang daigdig ng mga Fairytales.


Ang mundo ng fairytales ay isang mundong lahat ay possible, mga diwata, mga mangkukulam ,mga higante at dwende, mga magagandang prinsesa at makikisig at matatpang na prinsipe. Lahat ay likha ng imahinasyon ng may-akda. Kaya naman ito ay kadalsang ikinikwneto sa mga bata lalo na   bago matulog para magkaroon sila ng magagandang mga panaginip at kadalasan ang mga fairytales ay laging nagtatapos sa “and they live happily ever after”. Laging may happy ending.



Pero teka nga,may “Happy Ending “ ba talaga?


Simple lang naman ang sagot dyan eh, mayroon pero hindi palagi..
Maaring sa isang yugto ng buhay mo ay masaya pero darating pa rin sa punto na susuko ka, iiyak ka, mapapgod ka at aayaw ka. Nandito kasi tayo sa mundo ng realidad, mundoing napakalayo sa mundo ng mga fairytales at sa mundo natin ang “Happy Ending” ay nakasalalay sa ating mga kamay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento