“Ang dali
kayang magsabi ng babay, B.A.B.A.Y”
Iyan ang sabi
sa kanta ni Yeng Consatantino na pinamagatang B.A.B.A.Y. kantang mayroong kyut na music video at
madali kang makakaramdam ng Last Song Syndrome.
(Kung hindi
mo pa napakikinggan ang magandang awiting ito narito ang link http://www.youtube.com/watch?v=uV1pPkTTPLU )
Pero madali
lang ba talagang magsabi ng babay? Kung tutusin ayaw ng mga taong pag-usapan
ang anumang uri ng pamamalaam, halos lahat yata ay iniwasan ito. Ang akala kasi
natin ay nag-e-exist ang salitang “Forever” gusto natin panghabambuhay na nating kapiling ang mga mahal natin sa buhay, kapamilya, kamag-anak, kasintahan,
kaibigan o kung sino pang ibang malapit sa atin. Kaya laging mayroong iyakan
sa graduation, despedida, airport, break-up ,emergency room sa
ospital,lamay,libing aksidente.
Isa rin kasi
sa pinakamasakit na maramdam ng tao ay ang mawalan. Iyong pakiramdam na parang
hindi ka kumpleto, may kulang may nawawala sa iyo. Oo mahirap naman talaga
pero daratring ang araw na mauunawaan natin na mayroong magandang dahilan ang
pamamaalam. Ang kailangan lang talaga natin ay ang pagtanggap kahit gaano pa
kahapdi ang pamamaalam na iyon dahil sa bawat pamamaalam ay mayroon naming
darating.
Kapag may
yumao may darating na bagong silang, kapag dumaan ang pasko darating naman ang
bagong taon kapag lumubog ang araw magsasaboy ng liwanag ang buwan at mga bituin
kapag lumipas ang pasukan darating ang summer vacation pagkatapos ng tag-init
susunod ang tag-ulan
Sadyang ganyan talaga , things come and go ang mahalaga hulihin natin ang bagay at pagkakatong lumalapit sa tin. Huwag na nating hintayin pang sila ang magpaalam sa atin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento