Huwebes, Setyembre 12, 2013

Bakit Masarap Pakinggan ang K-pop?


eh eh eh eh eh eh eh eh  2NE1
 Eh eh eh eh eh eh eh  You better ring the alarm...

Neomu neomu meotjyeo nuni nuni busyeo
 Sumeul mot swigesseo tteollineun girl
 Gee Gee Gee Gee Baby Baby Baby
 Gee Gee Gee Gee Baby Baby Baby

 Sorry Sorry Sorry Sorry
Naega naega naega meonjeo
Nege nege nege ppajyeo
Ppajyeo ppajyeo beoryeo baby





Ang mga linyang nasa itaas ay mga lyrics mula sa mga bantog na awitin ng mga k-pop groups na 2ne1, Super Junior at Girls Generation.Mga grupong tinitilian,kinagigiliwan at ginagaya ng mga kabataan.



Sa aking pagkakatanda  2009 naglabasan ang pangalan ng iba’t ibang mga grupo gaya ng 2ne1, Bigbang SuperJunior, SNSD, 2pm ,2am hanaggang sa dumami na ng dumami, iba’t iba mukha iba't ibang  tunog ,iba't ibang awitin, iba't ibang  genre na talaganag kinahumalinagan ng lahat ng mga pinoy na makikita sa Myx, MTv Youtube at maging sa mga magasin ,radyo at telebisyon.Bagong bago kasi ito sa pandinig at nakatutuwang panoorin ang mga Music Video. Ang iba pa nga ay ginagaya ang kanilang pananamit, hairstyle,dance moves  at sympre ang mga gestures.May mga naghahangad na nga ring pumunta ng South Korea at mag-aral ng Wikang Korean.




Kaya talagang malaki ang naging epekto nito sa pamumuhay ng mga Pinoy. Sa aking personal na opinyon talaga naman masarap pakinggan ang k-pop, sadyang nakakikiliti sa tainga at talagang nakakaindak at goodvibes ang hatid nito. Bonus na lang siguro ang mga outfit at looks ng mga kumakanta nito.Sa totoo nga ito nga rin minsan ang pampa-goodvibes ko at pampagising din ng utak lalo na kung kailangang mag-review



Wala naman akong nakikitang masama sa pakikinig sa k-pop, sa katunayan mayroon din c-pop(chinese pop),j-pop(japanese pop),taiwanese pop, thai pop at sympre hindi rin tayo pahuhuli ang p-pop. Mas magandang mayroon kang iba't ibang napakikinggan ,Oo masarap pakinggan ang k-pop ngunit hindi naman natin dapat kalimutang pakinggan ang mga awitin at  mga mang-aawitin ng ating lupang sinilangan.

Linggo, Setyembre 1, 2013

Matatamis na Alaala

Ang High School Life ay isa sa pinakamasasayang mga taon sa buhay ng tao dito tayo nakararanas ng iba't ibang masasaya, malulungkot, nakatatawa, nakaiinis at nakakikilig na mga pangyayari.
 
Mula sa paggawa ng mga group projects sa mga bahay-bahay ng mga kaklase, mga galaan, mga iba't ibang contest gaya ng balagtasan ,sabayang bigkas, drama, quiz bee, news writing at marami pang iba. Sadyang napakasaya at napakulay talaga ng yugtong ito sa atin sapagkat dito rin natin natatagpuan ang ating mga tunay na kaibigan at sympre ang mga unang nagpatibok sa ating puso.

Samahan si Miko sa muli niyang pagsariwa sa kanyang unang pag-ibig noong siya ay nasa hayskul. Alamin kung sino ang babaeng nagpatibok sa kanyang puso, alamin kung anu-anong kahibangan ang kanyang ginawa sa ngalan ng pag-ibig sa isang maikling kwento na pinamagatang "Matatamis na Alaala"



B.A.B.A.Y



“Ang dali kayang magsabi ng babay, B.A.B.A.Y”
Iyan ang sabi sa kanta ni Yeng Consatantino na pinamagatang B.A.B.A.Y.  kantang mayroong kyut na music video at madali kang makakaramdam ng Last Song Syndrome.
(Kung hindi mo pa napakikinggan ang magandang awiting ito narito ang link http://www.youtube.com/watch?v=uV1pPkTTPLU )


Pero madali lang ba talagang magsabi ng babay? Kung tutusin ayaw ng mga taong pag-usapan ang anumang uri ng pamamalaam, halos lahat yata ay iniwasan ito. Ang akala kasi natin ay nag-e-exist ang salitang “Forever” gusto natin panghabambuhay na nating kapiling ang mga mahal natin sa buhay, kapamilya, kamag-anak, kasintahan, kaibigan o kung sino pang ibang malapit sa atin. Kaya laging mayroong iyakan sa graduation, despedida, airport, break-up ,emergency room sa ospital,lamay,libing aksidente.

Isa rin kasi sa pinakamasakit na maramdam ng tao ay ang mawalan. Iyong pakiramdam na parang hindi ka kumpleto, may kulang may nawawala sa iyo. Oo mahirap naman talaga pero daratring ang araw na mauunawaan natin na mayroong magandang dahilan ang pamamaalam. Ang kailangan lang talaga natin ay ang pagtanggap kahit gaano pa kahapdi ang pamamaalam na iyon dahil sa bawat pamamaalam ay mayroon naming darating.

Kapag may yumao may darating na bagong silang, kapag dumaan ang pasko darating naman ang bagong taon kapag lumubog ang araw magsasaboy ng liwanag ang buwan at mga bituin kapag lumipas ang pasukan darating ang summer vacation pagkatapos ng tag-init susunod ang tag-ulan

Sadyang ganyan talaga , things come and go ang mahalaga hulihin natin ang bagay at pagkakatong lumalapit sa tin. Huwag na nating hintayin pang sila ang magpaalam sa atin.