Isang hapon naligaw ako sa isang malaking bookstore sa
Cubao. Habang nag-iikot ay nakita ko ang isang munting puting aklat. Nakaaakit
ang pabalat ng aklat dahil cute ang naka-drawing pero higit sa lahat ang mas
nakatawag ng aking pansin ay ang pamagat “Lovestruck . Love mo siya, Sure ka
ba?”. Sa pamagat pa lang malalaman mo na
kung tungkol saan ang aklat pero kahit alam mo na ang paksa ng libro
mahihiwagaan ka at mahihikayat kang buklatin ito.
Tinatalakay ng aklat
ang iba’t ibang masalimuot na aspekto ng buhay pag-ibig ng kabataan. Sa aklat
na ito tinalakay ng may-akda ang pakikipag-date, relasyong tinututulan ng mga
magulang, virginity, ang pagiging single ,seks, panliligaw at higit sa
lahat ang dakilang pagmamahal ng Panginoon. Magaan basahin ang aklat dahil para
ka lamang nakikipag-usap sa isang kaibigang nagkukwento at nagbibigay ng payo.
Habang nagbabasa ka hindi mo mararamdaman ang takbo ng oras.Gumamit din ang
awtor ng mga salitang pinauso ng mga kabataan gaya ng TL (True Love),
mag-syota, mag-on, S.O. (Secret On) at marami pang iba.Kaya naman kayang kaya nitong hulihin ang pulso ng kahit sinong teenager.
Nagbahagi din ang may-akda ng ilang mga pangyayari sa tunay na buhay gaya
na lamang ng karanasan ni Patrick Moberg, Miss Confused, Vins Santiago at maging
ang pahapyaw na “love story” ng kanyang kabiyak na si Gigi.
Sagana din ang aklat sa mga kwenotng
hango sa bibliya at mga “quotable quotes” gaya ng mga sumusunod:
“Pero ang tunay na pagmamahal ay hindi
kayang patayin ng distansya. Kahit ilang taon pa kayong hindi nagkita,kung
talagang tunay ang inyong nararamdaman, gagawin ninyo ang lahat para mapanatili
ang pagtingin niyo sa isa’t isa.”
“Hangga’t
walang wedding ring hindi dapat isinusuko ang virginity. Hangga’t di pa kayo
ikinakasal marami pang puwedeng mangyari.”
“Masakit
mang tanggapin, madalas sinusukat ang pagkatao ng isang magulang sa kinalabasan
ng anak.”
“Single
is not spelled A-L-O-N-E”
“The big word and the big step is
COMMITMENT. It should be the core element of any relationship”
Pero kung ako ang tatanungin, masasabi
kong ang pinaka-highlight ng aklat na ito ay ang pagsalungat niya sa sinabi ni
Alfred LordTennyson narito ang kanyang paliwanag.
"Paboritong-paborito ng marami ang
quote na ito ni Alfred Lord Tennyson."It is better to have love and lost, than
to have not loved at all”. But it is more desirable to have loved and never
lost at all. Preserve your heart. Hangga’t walang go signal si Lord , guard
your heart."
Sa pagbabasa din ng aklat na ito ay
nadagdagan din ang aking bokabularyo.Ngayon ay alam ko na ang kahulugan ng mga
salitang fornication, bestiality at promiscuous. Sa kabuuan ,masasabi kong napakaganda ng libro bukod pa sa magaan basahin
ay marami kang aral at tips na
matututunan. Ipinakikita din ng aklat na ito na ang pag-ibig ay isang unibersal
na pwersang nadarama ng lahat kaya marapat lamang na paghandaan at huwag laruin
ngunit higit sa lahat ipinakita nito kung gaano kadalisay magmahal ang Dakilang
Lumikha.
Maraming
salamat dahil mayroong Ronald Molmisa na nakaisip na lumikha ng aklat tungkol
sa buhay pag-ibig ng kabataan. Dapat
lamang na mas mabasa pa ito ng mas marami pang kabaataan, sigurado ako matutuwa
sila sa pagbabasa nito anuman ang estado ng kanilang buhay pag-ibig.
*Lahat ng mga pangungusap na nakapahilig ay sinipi mula sa aklat ni Ronald Molmisa na "Lovestruck. Love Mo siya? Sure ka ba?"
*Lahat ng mga pangungusap na nakapahilig ay sinipi mula sa aklat ni Ronald Molmisa na "Lovestruck. Love Mo siya? Sure ka ba?"