Biyernes, Abril 19, 2013

First Year Memories Part 1

     Maraming nagsasabing  ang "high school life" ay maitututring na isa sa mga masasayang araw sa buhay ng isang estudyante. Tawanan, harutan, tsismisan, utangan, ligawan, galaan, trayduran, walang sawang gala, walang sawang kulitan at asaran at marami pang iba. Pero sabi nga nila lahat ng bagay ay may katapusan pero hindi naman ibig sabihin ay magugunaw na ang mundo kapag pumasok ka na kolehiyo. Marami rin namang mga masasayang pangyayari at karanasan sa kolehiyo. Oo, malayo sa buhay high school pero ang mahalaga naman eh yung kasiyahang naramdaman mo di ba?
     Narito ang ilang mga masasayang, makukulit na pangyayari at karansang hindi mo malilmutan nung unang taon ko sa kolehiyo:

First Sem.

1. First Day
     New York  Concrete jungle where dreams are made of there's nothing you can do .Now you're in New York these streets will make you feel brand new 
      Iyan ang unang kantang narinig ko habang paakyat ako sa lugar na pagdarausan ng Freshemen Orientation. Gaya ng iba may halong kaba, at tuwa ang nararamdaman ko habang paakyat ako. Nang marating ko na yung venue, nawala na din ang  kaba ko. Ok naman ang first day (snabero nga lang ang lolo niyo) nag-enjoy naman ako sa mga activities na ginawa namin at masaya sa pakiramdam na maging freshemen kasi ibig sabihin tumaas na yung level mo :)  

2. First Day of Classes

      Simula ng gumising ng  6:00 para pumasok sa unang klase, hay mahirap talaga malaki ang mga adjustments na kailangan mong gawin .Pwede nga akong bigyan ng "Most Punctual Award" nun kasi naman saktong 7:30 ako dumating sa room at ayun wala pang tao nganga :) Nagulat na lang ako kasi kaklase ko pala yung aking kapitbahay at playmate ko noon na si L *&!^ , Nice One  at saka yung schoolmate ko na si R&*#@ WHAATT????. Go with the flow lang ako nung araw na yun, pero sympre ang highlight ng araw na yun ay nakilala ko sila Jenna, Allan, Ate Grace Isaac, Jemimah,Daisy, Ate Rose,Mai, Abby, Jona at Gab (nabanggit ko ba lahat??).Masaya ang feeling sabay kaming kumakain at pumapasok  para ngang matagal na kaming magkakakilala eh at sympre dito ko din nakilala ang mga prof ko for the 1st sem of my 1st year in college :)       
3. Mga Professor        Sila nga pala ang mga prof ko nung 1st sem         (Hindi nila mga tunay na pangalan)   *Mr. Edwin- prof ko sa English I   *Mr Leon- prof ko sa FunMa na sobrang bait at galing   *Mr. Ferdie- ang mahusay ng prof ko sa Gen Psych na sinabihan akong magshift sa psych dahil matatas lagi ang scores ko sa mga quiz at exam  *Ma'am Julie- prof ko sa Fil na halos hindi ako makahinga sa klase sa sobrang istikto pero ubod naman ng galing *Senyor Aga- prof ko sa History.
*Mr Berlz- prof ko sa NatSci... everything etc and so on (haha piz )
*Bb. Cabz - fashionista at early bird na prof ko sa DevReading
*Ma'am Fajardz- prof ko sa Incomtech .... Okay you can have your lunch na 
*Sensei Velez- instuctor sa Karate hiyaaahhh...


4.Online Exam
      Hindi ko rin malilimutan ang first online exam ko. Click lang ng click  tapos alam mo na agad ang grade mo ang saya, hahaha (yes Hi-tech)

5. NSTP 1
    8;00-11:00 every saturday yan.Ito ang hirap pag college kahit sabado may
pasok :( pero ok na din kasi kahit paano extra pera extra gala na din

6.Dyn-Ed English Lab Experience
     First time ko din na  na-experience na ang English Subjects ay mayroong Laboratory, hahaha Call Center Agent lang ang mga hitsura namin ,pero nung 1st year kanay-kanya ding gawain kapag lab, yung iba nagpapaint yung iba nakikinig ng music at marami pang iba. Sobrang lamig pa .

7.Chibog sa Sm
    Halos ang Sm na ang naging 2nd canteen namin, sabay-sabay kaming kumakain dito minsan kumakain din naman kami sa canteen pero madalas sa Sm (yun oh ang yayaman) KFC, Jolibee,Foodcourt,Savemore ayan halos dyan kami kumakain araw-araw, pero hindi pa rin nakakasawa kumain ng manok :)

8.Karate Blues
   Oha! P.E. ko Karate .Actually hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung paano ko nalagpasan yung karate na yun. Mahirap, sakit din sa katawan, may mga kaklase nga dn akong nahihimatay tapos grabe yung tagaktak ng pawis ko .Ang masaya dito ay natutuo akong magbilang sa Japanese ich , ni ,san,shi...
                                          
   9. Oral sa Filipino
       -Hindi ko talaga malilimutang itong oral na pagbabalita. Ito ang Balitang Siksik :) na may background music pa ng kanta ni Britney spears na 3 :)

10. Run for the Pasig River 10.10.10
      I'm proud dahil kasali ako sa makasaysayang petsa at pangyayaring ito. Gumising ng 3 para maghanda 6:00 ang simula ng takbuhan kay libre ang MRT :) hindi naman ako tumakbo lakad lang ang ginawa ko. Pero ang masaya ay yung give away na bracelet

11.Karate Tournament
    Eto na bugbugan na to Kiyahhh!!! nakakainis talo ako ang laki kasi nung nakalaban ko, nagkaroon pa ako ng pasa sa binti at sa balikat pero ang hindi ko malilimutan ay iyong last day namin,kung saan nag-message si sensei at nung sabay-sabay kaming nag-bow :(
12.1st Acquiantance Party 
-          Ito ang unang Acquiantance party ko, wala naman masyadong special pero ito pa din ang first dito ko  nakilala kung sino pa yung ibang mga estudyante sa college namin .Simpleng games at simpleng kainan lang naman pero masaya pa rin kasi… hmm basta akin na lang muna yun hehe


      

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento