Miyerkules, Oktubre 30, 2013

It's a Small World


Mga bandilang ginawang banderitas sa isang mall.


Ang buwan ng Oktubre ay hindi lamang Buwan ng Rosaryo o Buwan ng Halloween. Ito rin ay United Nations Month. Kaya mabili sa mga mall ang iba’t ibang costume ng iba’t ibang bansa at nagdaraos ng pagdiriwang ang iba’t ibang eskuwelahan mula kinder hanggang highschool.Nagkakaroon ng mga pageant na parang Miss World na tintawag na Mr.&Miss U.N.,nagkakaroon din nga mga parade na mayroong mga batang nagwawagayway ng iba’t ibang bandila.


Noong Oktubre 26 isa ako sa mga nakasaksi sa ginanap na parade sa isang mall. Maraming mga bata ang kasali sa parada,mula sa cinema hanggang sa pinakababang palapag ng mall ay nagmartsa ang mga bata suot ang mga costume ng iba’t ibang bansa na sinsabayan ng pagtugtog ng isang banda ng musiko ng kantang “It’s a Small World After All”.Masaya ako habang pinanonood ko ang parada bumalik din sa alala ko ang aking elementary days at nabusog ang mga mata ko sa mga magagandang costume.



Linggo, Oktubre 20, 2013

Mga Dapat Gawin Kapag Sembreak

 courtesy: google images


Ito na ang pagkakataon na hinihintay ng mga estudyante lalo na ng mga college student,tapos na ang mga panahon ng pagbababad sa library para mag-review,tapos na ang panahon sa pagpapaprint,tapos na ang mga gabing walang tulog sa paggawa ng term paper. Ito na ang araw para naman paligayahin ang iyong sarili.

1. Maglinis ng kwarto- panahon na para  magbawas ng mga papel, kalat at mga bagay na hindi na kailangan. I-clear mo na rin ang study table mo na tambak ng photocopy.

2.Makipagkita sa mga highscool friends- ito na ang pagkakataon niyo para muling magkita at magkwentuhan,gumala at magpakasaya(especially sa mga first year students)Mas maganda kung nakakusap at nakakaharap mo sila kaysa yung ka-chat mo lang sa fb di ba?

3. Bawiin ang tulog- bawiin na ang tulog ilang buwan ka ring gumising ng maaga para hindi mahuli sa 7:30 class mo, ilang gabi ka rin naglamay sa harap ng computer para sa paggawa ng iba’t ibang paperworks.

4. Mag-foodtrip- nakakapagod ang unang sem at tambak ang mga kailangang ipasa kaya naman minsan nakalilimot na rin kumain.It’s time para bumawi at para tumaba kahit kaunti.

5. Relax –ito ang panahon para sa iyong “ME” time,bigyan mo ang sarili mo ng reward gaya ng movie marathon,mag-window shopping,salon treatment,massage at iba pang nakakatanggal pagod na gawain.

6.Sumubok ng bago- nakapagbasa ka na ba ng nobela?Nasubukan mo na bang mag-zip line? Nakapanuod ka na ba ng sunset?Marunong ka na bang magluto ng kare-kare? Nakapagsulat ka na ba ng sariling mong kwento? Nakapaglakbay ka na  ba mag-isa? Kung hindi mo pa nagagawa,Try mo naJ

7. Sanayin ang iyong talento- tapos na ang paggawa ng mga assignment at iba pang requirements,oras na para hasain pa lalo ang iyong mga kakayahan.Magpractice ulit mag-drawing,maggitara,kumanta,magpainting at iba pa.

8. Bumisita sa mga museum,park,zoo at mga exhibit-Huwag lang puro mall ang puntahan.Dalawin mo rin ang obra maestra ni Juan Luna sa National Museum,maglakad-lakad sa Luneta at panoorin ang dancing fountain o kaya mag-underweater adventure sa Ocean Park.


Siguro naman mayroon ka ng ideya kong anung gagawin mo sa Sembreak? Sana nakatulong ang mga tip ko,para maramdaman mo ang Sembreak ,pakinggan mo ang awiting ito ng Moonstar88 http://www.youtube.com/watch?v=Abn_l3dA_r4

Enjoy your Sem break!
courtesy:google images


The Cosplay Experience

Hindi na bago ang cosplay sa Pilipinas sapagkat marami ng mga taong gumagawa nito(lalo na ng mga kabataan) na nagdadamit na katulad ng isang anime,cartoon o comic book character.
Pero iba pala talaga ang pakiramdam na makita mo ng “live”. Sa di inaasahang pagkakataon ay nakakita  ako ng maraming mga cosplayer nung araw na iyon, sabado kasabay ng 34thManila InternationalBook Fair sa SMX.
Matapos kong makiusyoso sa book fair ay pumunta naman ako sa second floor upang makiusyoso sa cosplay convention na iyon.

courtesy:google images


“A” for effort talaga ang mga cosplayers,mula ulo hanggang paa, pati pa nga rin kulay ng mata at pilikmata ay mayroon mga aksesorya para lang magaya ang hitsura ng kanilang paboritong character.nakatutuwang tingnan ang mga makukulay na wig,mga laruang armas gaya ng baril,espada,wand at iba pa.


Sayang nga lang at lowbat na ang camera ko noon kaya hindi man lamang ako nakapagpapicture kahit sa isang cosplayer man lang.Sabagay may ibang pagkakataon pa rin naman atleast nabusog ang aking mga mata noong araw na iyon.

The 34th Manila International Book Fair Experience

First time kong pumunta sa isang malaking bookfair na ginanap sa SMX Convention Center. Pumunta ako upang makiusyoso at upang malaman kung ano ang ambiance at ang mga aktibidades doon at sabi ko rin sa sarili ko na kailangang makabili ako ng kahit isang aklat at makapagpabook-sign sa kahit isang author.

courtesy:googleimages

Pagpasok ko ay sinalubong na ako ng maraming taong namimili at ang mga malalaking booth ng iba’t ibang publishing house. Umaapaw sa aklat ang convention center at punong puno ng iba’t ibang aklat.May textbooks, pocketbooks, coloring books,picture books, history books, religous books, cook books,novels, mga aklat pambata, mga komiks,mga aklat pandalubhasaan at marami pang iba na mabibili sa halagang abot-kaya dahil halos lahat ng libro ay may discount may 50% ,30%,20% at 10%. Kaya naman masayang mamili at paraiso talaga ang lugar na iyon para sa mga booklover.

Highlight ng event ang mga booth ng iba’t ibang publishing house.Ang pinakanagustuhan ko ay ang booth ng Adarna House dahil pambata ang dating at ang kyut din ng t-shirt ng mga staff na nanduon . Mayroon pang nakapaskil na 150 birth anniversary ni Andres Bonifacio. Hindi pwedeng hindi ka tumignin sa booth ng Adarna House, talagang babalik ka sa pagkabata.Nagustuhan ko rin ang paper bag nila na nakadrawing si Pilandok at pati na rin ang libreng mga sticker at bumili  rin ako ng isang libro na isa sa mga new release  “Ang Pamana ni Andres Bonifacio”.

Ang librong nabili ko sa Adarna House at ang kyut na Pilandok paperbag

Isa rin sa mga highlight ng book fair ay ang mga book signing, noong pumunta ako nakita ko sila Ambeth Ocampo(kilalang historyador at researcher sa buhay ni Rizal) Marcelo Santos III  (sikat na author ng Love Story on Videos sa Youtube at ang may-akda ng “Para sa Hopeless Romantic”) at  si Ronald Molmisa(best selling author ng “Lovestruck books”.)

Isa sa memorable experience ko ay ang book signing ko kay Ronald Molmisa. Natutuwa ako dahil nakita at nakausap ko na rin siya ng personal at napirmahan din ang librong binili ko.Masaya pala sa pakiramdam ang pumila para magpa-booksign kahit na mahaba ang pila nakakainis nga lang at wala kaming picture,pero okay lang magkikita pa ulit kami.
Ang librong nabili kong may book sign mula kay Ronald Molmisa

Habang naroroon ako ay natanto ko ang kahalagahan ng aklat at pagbabasa, hindi lang basta ito libangan at bagay na makapagbibigay ng impormasyon o bagay na kumikiliti sa ating imahinasyon,isa itong instumento para sa pagbabago,pagbabago hindi lamang ng ating sarili kundi pati na rin ng ating lipunan at bansa.Masaya ang araw na iyon para sa akin dahil mayroon na naman akong naidagdag sa aking mini library at mayroon na naman ako kakaibang karansang babaunin sa aking puso.

Lovestruck Singles Edition

Talagang malaki ang tagumpay na narating ng aklat ni G.Ronald Molmisa na pinamagatang “Lovestruck Love mo siya? Sure ka ba?”. Isang aklat na tungkol sa iba’t ibang aspekto ng buhay pag-ibig na kapupulutan ng mga payo, kwento tungkol sa mga totoong karansan, makabuluhang impormasyon at mga gintong aral na mula sa Bibliya.Totoong malaking isyu ang lovelife lalo na sa mga teenager.Kaya naman hindi nakapagtataka na naging isang Bestseller ang aklat na ito.
                   



Ayon kay G. Molmisa, mayroong mga apsekto ang hindi niya lubusang natalakay sa una niyang aklat kaya naman laking tuwa ng marami( lalo na ang mga fans ng unang aklat ) dahil naglabas siya  ng ikalawang edisyon na tungkol din sa buhay pag-ibig ngunit nakatuon sa mga taong walang katipan o sa madaling salita ,ang mga “single” na pinamagatang “Lovestruck Singles Edition”.
                   Kung titingnan ang pattern ng pagkakasulat ay katulad lang din ng unang  libro ngunit mas seryoso na ng kaunti dahil sabi nga ng may-akda.
                   “Panahon na upang pagbigyan naman ang mga twenteens(21 years old and up) at eligible singles na may iba nang kinahaharap na mga isyu sa buhay.”

Tinalakay ng aklat nang malaliman ang buhay ng mga taong single mula sa mga dahilan kung bakit sila single, tips sa panililigaw,mga uri ng relasyon sa kasalukuyang panahon(M.U. ,online relationships at long distance relationships) at iba pa.

Nakakatuwa rin sapagkat lumikha siya ng mga sariling kahulugan para sa mga akronim gaya ng mga sumusunod:
HTML (How To Make Love)
CPR (Cry, Ponder on what happened,Reboot)
FBI (Female Body Inspection)
Natutuwa din ako sa ikaapat na kabanata na tumatalakay sa pinakausong estado ng relasyon sa kasalukuyan ang M.U. ,nakatutuwa dahil ang mga suhestiyon niya ay nagsisimula din sa M at U.  Intersante ring basahin ang tsapter two na tumatalakay sa kaibahan ng lalaki at babae na lubusang nakaaapekto pagdating sa pakikipagrelasyon.Higihlight din ng libro ang lovestory ni G. Molmisa.Malaya niyang isinalaysay ang kanyang lovelife na gaya din ng iba siya ay umibig,nabigo,nasaktan,nag-move on hanggang sa nahanap niya rin ang tamang taong mamahalin niya at magmamahal sa kanya.


Lubos ko rin ikinatuwa dahil mayroong mga cliché sa Filipino at Ingles na kanyang ginamit gaya nito.
*Health is wealth
*Kung may tiygaa ay nilaga.
 Gasgas na ito sa ating pandinig ngunit ang diwa at aral na inihahatid nito ay walang pinipiling panahon at di kailanman magbabago.
Mayroon din siyang mga quotes na nagmula sa iba’t ibang personalidad gaya ni Albert Einstein, Mother Teresa at Emile Bronte at iba pa.
Mayroon ka ring matutunan sa sociology, sapagkat tinalakay niya ang ilang mga kaugalian sa panliligaw sa iba’t ibang bansa gaya ng China, India, United Kingdom at maging sa Pilipinas.


Pinupuri ko rin ang kanyang kasipagan sa pananaliksik sapagkat kitang kita naman sa mga huling tala na gumamit siya ng iba’t ibang aklat at website para mas lalong patibayin ang kanyang mga sinsabi at makapagbigay ng iba pang kaalaman.
Pagdating naman sa pisikal na aspekto ng aklat nakaka-goodvibes dahil sa ito ay kulay pula na talagang nakatatawag pansin. Mas makapal ito sa naunang edisyon dahil ito ay binubuo ng 124 na pahina.



Nakakatuwang basahin ang aklat talaga naman makapagbibigay ito ng kabuluhan sa buhay ng maraming single pero ang talagang nagustuhan ko sa aklat na ay ang huling pangungusap ng huling kabanata.

“God Bless your heart.”


Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob ng mabasa ko ang huling pangungusap na iyon.Nagpapasalamat ako kay G. Molmisa dahil nakaisip siyang maglabas ng ganitong aklat. Ang aklat na ito ay makapagsisilbing tanglaw ng maraming tao sa pagtahak sa masalimout na mundo ng pag-ibig.


*Lahat ng mga pangungusap at salitang nakaitalika ay sinipi mula sa aklat na “Lovestruck Singles Edition” ni Ronald Molmisa.

Lunes, Oktubre 7, 2013

Lucky 8 Tips para Pumasa sa Finals

Para sa mga College Student ito ang Lucky 8 tips para pumasa ka sa Final Examinations.

courtesy:Google Images

1. Ikondisyon ang sarili- ikondisyon muna ang sarili bago mag-review, huwag munang isipin si crush o c bf/gf aral time muna. Uminom ng tubig, manuod muna saglit o kaya naman makinig ng live music upang magising ang utak.

2.Kumain ng Mani- klasiko nang gawain ito brain food daw kasi ang mga mani.

3. Maghanap ng tamang pwesto - huwag pumwesto sa makakarinig ng ingay o kaya naman sa mga bagay na makakagambala sayo(computer,cellphone t.v. etc).

4. Ihanda ang electric fan o aircon- sympre kailangan tamang temperature lang, hindi masaydong mainit para hindi mairita at hind masyadong malamig para hindi antukin. Kailangan ng  tamang bentilasyon.

5. Magpahinga kada 10 mins- Iwas information overload, mag-unat-unat din pero huwag sosobra sa 10 mins.

6. Gumamit ng keywords at akronims- hindi naman kailangan magsaulo ng marami, keywords lang ang kailangan lalo na kapag  mahilig sa identification at enumeration ang prof mo.

7.Ihanda ang mga kagamitan- ayusin ang bag, siguraduhing may tinta ang ballpen o may tasa ang lapis, i-ready rin ang test permits,calculator,papel o anu pa man ang kailangan.

8.Humanap ng inspirasyon- mas masayang mag-aral lalo na kung may inspirasyon para goodvibes at ganadong magsagot.Hindi lang si crush bf/gf ang maaring magsilbong inspirasyon nandyan ang pamilya mo,bestfriend, friends o kaya si idol.

Sana makatulong ang mga tips ko :) Rock your Finals!