Linggo, Oktubre 20, 2013

The 34th Manila International Book Fair Experience

First time kong pumunta sa isang malaking bookfair na ginanap sa SMX Convention Center. Pumunta ako upang makiusyoso at upang malaman kung ano ang ambiance at ang mga aktibidades doon at sabi ko rin sa sarili ko na kailangang makabili ako ng kahit isang aklat at makapagpabook-sign sa kahit isang author.

courtesy:googleimages

Pagpasok ko ay sinalubong na ako ng maraming taong namimili at ang mga malalaking booth ng iba’t ibang publishing house. Umaapaw sa aklat ang convention center at punong puno ng iba’t ibang aklat.May textbooks, pocketbooks, coloring books,picture books, history books, religous books, cook books,novels, mga aklat pambata, mga komiks,mga aklat pandalubhasaan at marami pang iba na mabibili sa halagang abot-kaya dahil halos lahat ng libro ay may discount may 50% ,30%,20% at 10%. Kaya naman masayang mamili at paraiso talaga ang lugar na iyon para sa mga booklover.

Highlight ng event ang mga booth ng iba’t ibang publishing house.Ang pinakanagustuhan ko ay ang booth ng Adarna House dahil pambata ang dating at ang kyut din ng t-shirt ng mga staff na nanduon . Mayroon pang nakapaskil na 150 birth anniversary ni Andres Bonifacio. Hindi pwedeng hindi ka tumignin sa booth ng Adarna House, talagang babalik ka sa pagkabata.Nagustuhan ko rin ang paper bag nila na nakadrawing si Pilandok at pati na rin ang libreng mga sticker at bumili  rin ako ng isang libro na isa sa mga new release  “Ang Pamana ni Andres Bonifacio”.

Ang librong nabili ko sa Adarna House at ang kyut na Pilandok paperbag

Isa rin sa mga highlight ng book fair ay ang mga book signing, noong pumunta ako nakita ko sila Ambeth Ocampo(kilalang historyador at researcher sa buhay ni Rizal) Marcelo Santos III  (sikat na author ng Love Story on Videos sa Youtube at ang may-akda ng “Para sa Hopeless Romantic”) at  si Ronald Molmisa(best selling author ng “Lovestruck books”.)

Isa sa memorable experience ko ay ang book signing ko kay Ronald Molmisa. Natutuwa ako dahil nakita at nakausap ko na rin siya ng personal at napirmahan din ang librong binili ko.Masaya pala sa pakiramdam ang pumila para magpa-booksign kahit na mahaba ang pila nakakainis nga lang at wala kaming picture,pero okay lang magkikita pa ulit kami.
Ang librong nabili kong may book sign mula kay Ronald Molmisa

Habang naroroon ako ay natanto ko ang kahalagahan ng aklat at pagbabasa, hindi lang basta ito libangan at bagay na makapagbibigay ng impormasyon o bagay na kumikiliti sa ating imahinasyon,isa itong instumento para sa pagbabago,pagbabago hindi lamang ng ating sarili kundi pati na rin ng ating lipunan at bansa.Masaya ang araw na iyon para sa akin dahil mayroon na naman akong naidagdag sa aking mini library at mayroon na naman ako kakaibang karansang babaunin sa aking puso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento