Mga bandilang ginawang banderitas sa isang mall. |
Ang
buwan ng Oktubre ay hindi lamang Buwan ng Rosaryo o Buwan ng
Halloween. Ito rin ay United Nations Month. Kaya
mabili sa mga mall ang iba’t ibang costume ng iba’t ibang bansa
at nagdaraos ng pagdiriwang ang iba’t ibang eskuwelahan mula kinder
hanggang highschool.Nagkakaroon ng mga pageant na parang Miss World
na tintawag na Mr.&Miss U.N.,nagkakaroon din nga mga parade na
mayroong mga batang nagwawagayway ng iba’t ibang bandila.
Noong
Oktubre 26 isa ako sa mga nakasaksi sa ginanap na parade sa isang
mall. Maraming mga bata ang kasali sa parada,mula sa cinema hanggang
sa pinakababang palapag ng mall ay nagmartsa ang mga bata suot ang
mga costume ng iba’t ibang bansa na sinsabayan ng pagtugtog ng
isang banda ng musiko ng kantang “It’s a Small World After
All”.Masaya ako habang pinanonood ko ang parada bumalik din sa
alala ko ang aking elementary days at nabusog ang mga mata ko sa mga
magagandang costume.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento