courtsey:google images |
Ang Fabulous Boys ay
ang Taiwanese Version ng Koreanovelang “He’s Beautiful.” Sa panonood ng dramang
ito ay natanto ang mga sumusunod:
1. Mahirap maging Artista
-Ang pagiging isang
sikat na artista ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroonng mga nagsisigawang
fans,magbibigay ng autograph,pictorials,pagkakaroon ng magandang sapatos, bag
at sasakyan.Haharapin mo rin kasi ang ilang problema gaya ng violent reactions
ng mga fan sa lovelife mo at ang mga makukulit na press na gustong hukayin ang
lahat sa pagkatao mo para mailagay sa dyaryo at pagkakitaan.
2. There are persons who can’t
love you back
May mga tao talaga na
kahit alayan mo ng pagmamahal ay hindi ka kayang mahalin sapagkat mayroon silang
ibang mahal.Gaya ni Jiang Xin Yu at ni Jeremy ginawa ang lahat para kay Gao Mei
Nu ngunit si Huang Tai Jin pa rin ang
kanyang pinili.Wala tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ang mapait na
katotohanan.
3. “What you see is what you get” ay hindi palaging totoo.
Hindi lahat ng nakikita
ng mata natin ay totoo minsan kailangan nating unawain ang mga bagay .Gaya na
lamang ng kunyaring paghalik ni Huang Tai Jin kay Liu Xin Ning akala ni Gao Mei
Nu at ng press ay totoong magkarelasyon ang dalawa,ngunit “just
for show” lang pala ito. Kaya kailangan muna natin alamin ang katotohanan at
magkaroon ng bukas na pag-iisp.
4. Pagpapatawad at Second Chances
-Lahat ng tao ay dapat
bigyan ng pangalawang pagkakataon upang makabawi sa kanilang pagkukulang at
pagkakamali.Tulad ng ina ni Huang Tai Jing ,humingi ito ng tawad sa lahat ng
pagkakataon at pagkakamali na siya naman pinagbigyan ng kanyang anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento