Day 1
Maaga
akong gumising dahil unang araw ng seminar namin sa Philippine
Science High School.4:00 n.u. ako bumangon, kahit na inaantok pa ay
pinilit kong gumising at maghanda.
Natutuwa
ako sapagkat maaga kaming nakarating sa PSHS, kami ang pinakaunang dumating , kaaunti pa lamang ang mga tao nang mga oras na iyon,habang
naghihintay ay nagmasidmasid kami sa paligid,labis kaming namangha sa
mga estudyante sapagkat karamihan sa kanila ay matatas sa Wikang
Ingles at halos lahat sila ay hinahatid ng kotse. (wow!)
courtesy:google images |
Nang
dumating na kami sa lugar na pangyayarihan mismo ng seminar ay nakita
namin ang ibang delegadong aming makaksama,sila ay ang mga mag-aaral
mula sa University of Makati,dahil nga sa kami ay maaga, nagkaroon kami ng piktyuran at kaunting kwentuhan at tanungan ngunit pagkatapos
nun ay balik ulit sa dati(ganon talaga kapag first day,kunwari shy)
at pagkatapos nun ay nagdatingan na rin ang iba pang mga delegado
mula sa ibang pamatasan at kolehiyo,mga limang minuto lang ang
hinintay namin at pinapunta na rin kami sa quadrangle para sa
kanilang flag ceremony,nakakatuwa dahil pakiramdam ko isa na naman
akong estudyante sa highschool(ang tagal ko na ring hindi nakaattend
ng flag ceremony) ang masaya rito ay ipinakilala kami sa mga guro’t
mag-aaral ng PISAY,unang una pang tinwawag ang school namin
nun,umakyat kami sa entablado at lahat ng mata ay nakapako ang tingin sa amin.(special guest lang? ).
Ipinakikilala ang mga delegado sa mga mag-aaral at guro ng PSHS |
Pagkatapos
ng flag ceremony ay balik na ulit kami sa venue para sa registration
at para na rin simulan ang seminar.Maganda at napakabuluhan ang
seminar sapagkat pawang mahuhusay na guro ang nagsalita at nagbahagi
ng kaalaman,masaya at masasabi kong nabusog ang utak ko sa kaalamang ibinahagi nila.
Sa
araw ding ito ay ipinasyal kami sa buong paaralan lahat kami ay
namangha sa laki at ganda ng school,nakita namin ang kanilang mga
classroom,canteen,dorm,laboratories,offices at marami pang iba,ang
pinakanagustuhan ko sa tour namin ay ang mga painting sa bintana na
gawa mismo ng mga mag-aaral na animo’y stained glass sa
simbahan,maganda,makulay at hindi mo pwedeng hindi tingnan.
Bintanang animo'y stained glass sa simbahan |
Nakakapagod
ang unang araw pero ayos lang iyon sa amin dahil marami naman kaming
natutunan.
2nd day
na bukas,gigising ulit ng maaga.
Day
2
What
a Day!
Second
day na namin sa PSHS,nakatutuwa dahil may nakausap na akong delegates
mula sa ibang school okey rin iyong naisip ni Ma’am Capundag na
“discuss with your buddy activity”,kahit paano naman ay may iba
na kaming nakaharap at nakausap.Una kong nakausap si Geraldine from
CUP,dahil siya ang katabi ko,sunod naman si Clark from BSU, at si Eli from PLM. Ayun ,kaunting kwentuhan (atleast nag-usap na rin).
Second round ng “discuss with your buddy activity” ay muli kaming na shuffle at iba na ang buddy ko,si Gelai from PLV naman ang nakausap ko.
Second round ng “discuss with your buddy activity” ay muli kaming na shuffle at iba na ang buddy ko,si Gelai from PLV naman ang nakausap ko.
"discuss with your buddy activity" |
Nagkaroon
din ng talk about waste segragation at pagkatapos naman ay
nagkaroon ng mentoring by major,sympre kasama ako sa Filipino group
kasama ko si Mai, Kat, Lourdes, Russel at Merland. Si Gng. Mercidita
Sanchez(a.k.a Nanay Merz) ang nagmentor sa amin,nakatutuwa dahil ang
dami niyang ibinahagi sa aming kaalaman, hindi lamang sa estratehiya
sa pagtuturo kundi pati na rin ang kanyang mga karanasan na
nakapagbigay sa kanya ng inspirasyon upang maging isang mabuting
guro.
Pero
ang highlight talaga ng araw na ito ay ang team building,ayon sa mga
facilitator sa batch daw namin unang nagkaroon ng team building (iyon
nga lang nabura daw ang mga pics).Ang team building ay
pinamunuan ni Gng.Celeste Aguila (a.k.a Mama Eagle) at sympre ang
kanyang anak na si Bb. Aguila (a.k.a Eaglet).Group 1 ako ,masaya
ang team building talaga namang naging daan ito upang maalis ang
ilangan at magkakilala kami ng lubusan,simula nga noong team building
kahit paano ay kumakain na kami ng magkakaharap hindi na kami
nakagrupo.
Ang
Saya lang !
*Special
thanks to Niño Locsin & Sir Tolits Englatera for the photos.
hihi ngyon ko lng basa to sir ! =)) asan yun day3-5..
TumugonBurahin