coutsey:google images |
Second
Sem na at simula na naman ng mga panibagong
pagsubok pang-akademiko,balik na naman sa paggising ng maaga,paggawa ng
mga assignments,sympre mayroon na namang mga term paper at kung anu-ano pang
mga gawain na makakapagpapayat at makapagpipga ng utak ang makakasalubong sa
pagpasok ng ikalawang semestre.Narito ang ilang mungkahi na dapat gawin sa
panibagong semester.
1.Bumawi-applicable to sa mga estudyanteng
nagkaroon ng hindi magandang grade noong 1st sem. Bumawi ka sa prop
mo, ipakita mo na deserving kang pumasa.
2.Magsipag-ibahin o baguhin na ang
routine, magkaroon ng sitema,unahin muna ang school works and requirements bago
ang fb, inuman, galaan, date, outing at kung anu-ano pa. Kung masipag ka naman well
good,mas lalo ka pang magsipag para okey.
3.Face new challenges with a Smile -may
mga bagong pagsubok na naman na kahaharapin sa second sem kaya dapat handa ka
nasa mga bagong pagsubok. Gaya ng bagong profs na terror,mga groupmates na
walang naitutulong,mga subjects na nakatatakot pasukan,mga events na sasabay sa
mga school requirements pero grace under pressure pa rin dapat.
Masarap mag-aral kahit nakapupuyat,nakaguguyom,nakauubos
ng pera at nakapapagod, pero darating ang araw ma-mi-miss mo din ang mga gawain
sa school,ma-mi-miss mo ang mga prof mo,mga crew sa canteen, mga pusang
gumagala sa school grounds, mga masusungit na librarian. Kaya dapat enjoy lang
at sulitin ang pagkakataon magpasalamat ka dahil nakapag-aaral ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento