Hindi
na bago ang cosplay sa Pilipinas sapagkat marami ng mga taong gumagawa
nito(lalo na ng mga kabataan) na nagdadamit na katulad ng isang anime,cartoon o
comic book character.
Pero
iba pala talaga ang pakiramdam na makita mo ng “live”. Sa di inaasahang pagkakataon
ay nakakita ako ng maraming mga
cosplayer nung araw na iyon, sabado kasabay ng 34thManila InternationalBook Fair sa SMX.
Matapos
kong makiusyoso sa book fair ay pumunta naman ako sa second floor upang
makiusyoso sa cosplay convention na iyon.
courtesy:google images |
“A”
for effort talaga ang mga cosplayers,mula ulo hanggang paa, pati pa nga rin
kulay ng mata at pilikmata ay mayroon mga aksesorya para lang magaya ang hitsura
ng kanilang paboritong character.nakatutuwang tingnan ang mga makukulay na
wig,mga laruang armas gaya ng baril,espada,wand at iba pa.
Sayang
nga lang at lowbat na ang camera ko noon kaya hindi man lamang ako
nakapagpapicture kahit sa isang cosplayer man lang.Sabagay may ibang
pagkakataon pa rin naman atleast nabusog ang aking mga mata noong araw na iyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento