Linggo, Oktubre 20, 2013

Lovestruck Singles Edition

Talagang malaki ang tagumpay na narating ng aklat ni G.Ronald Molmisa na pinamagatang “Lovestruck Love mo siya? Sure ka ba?”. Isang aklat na tungkol sa iba’t ibang aspekto ng buhay pag-ibig na kapupulutan ng mga payo, kwento tungkol sa mga totoong karansan, makabuluhang impormasyon at mga gintong aral na mula sa Bibliya.Totoong malaking isyu ang lovelife lalo na sa mga teenager.Kaya naman hindi nakapagtataka na naging isang Bestseller ang aklat na ito.
                   



Ayon kay G. Molmisa, mayroong mga apsekto ang hindi niya lubusang natalakay sa una niyang aklat kaya naman laking tuwa ng marami( lalo na ang mga fans ng unang aklat ) dahil naglabas siya  ng ikalawang edisyon na tungkol din sa buhay pag-ibig ngunit nakatuon sa mga taong walang katipan o sa madaling salita ,ang mga “single” na pinamagatang “Lovestruck Singles Edition”.
                   Kung titingnan ang pattern ng pagkakasulat ay katulad lang din ng unang  libro ngunit mas seryoso na ng kaunti dahil sabi nga ng may-akda.
                   “Panahon na upang pagbigyan naman ang mga twenteens(21 years old and up) at eligible singles na may iba nang kinahaharap na mga isyu sa buhay.”

Tinalakay ng aklat nang malaliman ang buhay ng mga taong single mula sa mga dahilan kung bakit sila single, tips sa panililigaw,mga uri ng relasyon sa kasalukuyang panahon(M.U. ,online relationships at long distance relationships) at iba pa.

Nakakatuwa rin sapagkat lumikha siya ng mga sariling kahulugan para sa mga akronim gaya ng mga sumusunod:
HTML (How To Make Love)
CPR (Cry, Ponder on what happened,Reboot)
FBI (Female Body Inspection)
Natutuwa din ako sa ikaapat na kabanata na tumatalakay sa pinakausong estado ng relasyon sa kasalukuyan ang M.U. ,nakatutuwa dahil ang mga suhestiyon niya ay nagsisimula din sa M at U.  Intersante ring basahin ang tsapter two na tumatalakay sa kaibahan ng lalaki at babae na lubusang nakaaapekto pagdating sa pakikipagrelasyon.Higihlight din ng libro ang lovestory ni G. Molmisa.Malaya niyang isinalaysay ang kanyang lovelife na gaya din ng iba siya ay umibig,nabigo,nasaktan,nag-move on hanggang sa nahanap niya rin ang tamang taong mamahalin niya at magmamahal sa kanya.


Lubos ko rin ikinatuwa dahil mayroong mga cliché sa Filipino at Ingles na kanyang ginamit gaya nito.
*Health is wealth
*Kung may tiygaa ay nilaga.
 Gasgas na ito sa ating pandinig ngunit ang diwa at aral na inihahatid nito ay walang pinipiling panahon at di kailanman magbabago.
Mayroon din siyang mga quotes na nagmula sa iba’t ibang personalidad gaya ni Albert Einstein, Mother Teresa at Emile Bronte at iba pa.
Mayroon ka ring matutunan sa sociology, sapagkat tinalakay niya ang ilang mga kaugalian sa panliligaw sa iba’t ibang bansa gaya ng China, India, United Kingdom at maging sa Pilipinas.


Pinupuri ko rin ang kanyang kasipagan sa pananaliksik sapagkat kitang kita naman sa mga huling tala na gumamit siya ng iba’t ibang aklat at website para mas lalong patibayin ang kanyang mga sinsabi at makapagbigay ng iba pang kaalaman.
Pagdating naman sa pisikal na aspekto ng aklat nakaka-goodvibes dahil sa ito ay kulay pula na talagang nakatatawag pansin. Mas makapal ito sa naunang edisyon dahil ito ay binubuo ng 124 na pahina.



Nakakatuwang basahin ang aklat talaga naman makapagbibigay ito ng kabuluhan sa buhay ng maraming single pero ang talagang nagustuhan ko sa aklat na ay ang huling pangungusap ng huling kabanata.

“God Bless your heart.”


Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob ng mabasa ko ang huling pangungusap na iyon.Nagpapasalamat ako kay G. Molmisa dahil nakaisip siyang maglabas ng ganitong aklat. Ang aklat na ito ay makapagsisilbing tanglaw ng maraming tao sa pagtahak sa masalimout na mundo ng pag-ibig.


*Lahat ng mga pangungusap at salitang nakaitalika ay sinipi mula sa aklat na “Lovestruck Singles Edition” ni Ronald Molmisa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento