5. Day
1-
isa sa mga memorable ang unang araw na pagpunta namin sa Philippine
Science High School dahil kami ang unang dumating sa mga delegado,sa
araw ding ito ay nakilala ko ang mga makakasama ko sa 5 araw na
seminar-training,sa araw na ito rin ay nakilala ko ang mga
facilitator,mentor,speaker at sympre ang mga kapwa ko delegado.Ang
mga delegado ay nagmula sa iba’t ibang pamantasan at kolehiyo sa
NCR at Bulacan.Ang mga kolehiyo at pamatasang pinanggalingan ng mga
delegado ay ang mga sumusunod:
Bulacan
State University (BSU)
Central
Colleges of the Philippines (CCP)
City
University of Pasay (CUP)
Pamantasan
ng Lungsod ng Pasig (PLP)
Pamantasan
ng Lungsod ng Maynila (PLM)
Pamantasan
ng Lunsod ng Valenzuela (PLV)
University
of Makati (UMAK)
4. Campus
Tour- isa rin sa masayang karanasan ko ay ang campus tour dahil
ipinasyal kami sa buong eskwelahan upang makita ng kanilang mga
kwarto,laboratoryo,tanggapan at mga pasilidad.Namangha ako dahil
napakalaki ng kanilang campus at malalaki at mataas ang kanilang mga
building,malalawak ang mga hagdan at maraming mga puno’t halamang
nakapagpapadagdag ng kagandahan sa paaralan, mayroon din silang
dorm,soccer field at day care.
3. Team
Buliding- isa rin sa pinakamasaya at highlight ng seminar na
ito sapagkat dito ay mas nakilala ko at nakahalubilo ang ibang mga
delegado at isa rin ito sa naging daan upang kami ay lalong maging
close sa isa’t isa.
2. Graduation
Day- memorable din sapagkat ito ang huling araw namin sa
PISAY,kami ay labis na natuwa dahil sa dami ng give aways na ibinigay
ng libre at ang pinaka the best give away ay ang PISAY t-shirt,ang
araw ring ito ay araw ng piktyuran at palitan ng cp number at fb
accounts at sympre ang masayang pamamaalam.
1. MICROTEACHING-
ito ang pinakamemorable na experience ko sa PISAY teach sapagkat dito
talaga nagtagisan ng galing ang iba’t ibang delegado na magturo sa
loob lamang ng 5 minuto, naging mahalaga sa akin ang araw na ito
sapagkat ako’y nagpanggap bilang isang special child para sa demo
ng aking kaibigang SPED teacher,natutuwa naman ako dahil magaling daw
akong umarte.
Sa
kabuuan masasabi kong isang masayang karansan ang seminar na iyon
sapagkat ito ay nagtanim sa akin ng maraming kaalaman,may mga bago
akong natutunan na talagang magagamit ko kapag ako’y nagturo na at
higit sa lahat masaya ako dahil lumawak ang aking mundo at may mga
nakilala akong mga bagong kaibigan.