Linggo, Mayo 26, 2013

Tara ,Laro Tayo


          


   Paano nga kaya kung ang mga laruan ay marunong magsalita? Paano kung mayroon silang isip at damdamin tulad natin? Sa paningin kasi natin mga laruan lamang sila,lalaruin natin kung kalian  natin gusto at kapag nasira o di kaya ay pinagsawaan na natin ay ididispatsa na lang ng basta-basta.
                        Humahanga ako sa taong nakapag-isip na gumawa ng isang pelikula tungkol sa mga laruan. Aliw na aliw ako sa panoond ng Toy Story, pinanuod ko ang magkakasunod na pelikula mula 1 hanggang 3 ay talagang tinutukan ko. Sa panonood ng pelikula ay muli akong bumalik sa panahon ng aking kamusmusan nakita ko ang sarili ko sa katauhan ni Andy, ang batang nagmamay-ari sa mga laruan. Naalala ko din ang aking mga laruan.
                                 
                                                                                                                                                                                       Sa Toy Story 1 ipinakita na ang mga bata ay mayroong iba’t ibang paraan ng paglalaro at pagtrato sa mga laruan.Mayroong maayos maglaro at kaibigang ituring ang kanyang mga laruan gaya ni Andy at mayroon namang labis maglaro at naninira ng laruan gaya ng kapitbahay nila Andy sa pelikula. Ipinakita rin sa pelikula na ang mga laruan ay ang pinakaunang kaibigan ng isang bata, ito ang nagbibigay ng kasiyahan, kasama kahit saan sa pagkain at maging sa pagtulog. Ipinakita rin sa pelikula na ang pagkakroon ng kaibigan ay isa sa mga masasayang bagay na masayang maranasan ninuman.
   

                                                                                                                                                                          Sa Toy Story 2 naman ipinakita na mayroong nabubuong espesyal na relasyon sa pagitan ng laruan at sa nagmamay-ari nito. Sa panonood nito naisip kong napakahirap at masakit pa lang maging laruan, lalo na kapag kinalimutan ka na ng nagmamay-ari sayo.Gaya na lamang sa nangyari sa babaeng cow-girl na si Jessie,nang  lumaki na ang batang nagmamay-ari sa kanya at nagdalaga kinalimutan na lang siya nito at itinapon.
                    
                                                                                                                                                                 Pero ang pinakagusto ko sa lahat ay ang Toy Story 3 kung saan sa di sinasadyang pangyayari ay bigla silang napadpad sa isang daycare. Malaki na rito si Andy,labimpitong taong gulang na siya at tutungtong na siya sa kolehiyo ibig sabihin lang nito ay wala na siya sa panahon ng kamusmusan, iba na ang kanyang mga interes at iba na rin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya. Ang pinakagusto kong eksena ay nung ipinaubaya na ni Andy ang kanyang mga laruan sa isang batang nagngangalang Bonnie, mayroon kurot sa puso ang eksena at dito ko natantong kahit gaano pa kasakit at kahirap ang isang pangyayari ,kailangan pa rin natin itong tanggapin sapagkat masakit man isipin hindi tayo mananatiling bata habambuhay, kailangan  nating lumaki, umuusad kailangan nating magpatuloy.



                      



Nakakatawa,magulo at masaya ang pelikula. Magugustuhan ito hindi lamang ng mga bata pati na rin ang mga isip-bata ,mga nagpapabata at sa mga gustong maging bata muli.
 Bigla ko tuloy naalala yung mga laruan ko, lalo na yung teddy bear kong si   Snow White,iniregalo siya ng isang kong ninang nung bininyagan ako at ang ate ko naman ang nagbigay ng pangalan sa kanya dahil nga kulay puti siya at mayroong green at red na kulay sa kanyang mga paw.Hindi ko na alam kong nasaan si Snow White .Hanggang ngayon ay mayroon pa naman kaming mga natitirang laruan, nakalagay na lang sila sa isang bookshelf.Hindi ko na alam kung nasaan na yung iba naming laruan pero sana nasa mabuti silang pangangalaga at naghahatid ng kasiyahan kung sino man ang may hawak sa kanila ngayon.


Ang ating mga laruan ang siyang nagpapaalala sa atin ng ating kamusmusan , iyong panahon na wala pa tayong masyadong iniisip yung panahon na puro laro lang .Ikaw, naaalala mo pa ba yung mga laruan mo?Nasaan na ? Halika at maglaro tayo.

Ang Anatomy ng Isang Mabuting Kaibigan


                   Gusto mo ba ng ganitong kaibigan? 
1.Mga Mata-Nakikita niya ang mga bagay na makapagpapasaya sayo, nakikita niya ang iyong mga kapintasan at kagandahan.

2.Tainga-Taingang handang makinig sa iyong mga problema, mga nakakatawang kwento, biro at maging sa mga tsismis at sikreto.

3.Bibig- Nagsasabi  ng totoo, handang magbigay ng payo handang magbiro kapag nalulungkot ka at mang-asar kapag gustong mangulit.



4.Kamay- kamay handa kang gabayan, hahawakan ka kapag lubog ka na sa mga suliranin at handang manampal o manuntok kapag mayroong umaway sayo. . 

5.Puso-Mamahalin ka kahit gaano ka pa kabaliw at tatanggapin ka  kahit marami kang mga pagkakamali at pagkukulang.

6.Paa-handa kang samahan sa mga galaan at  at sasabayan ka sa pagtahak sa masaya at magulong kalsada ng buhay at sympre handang binyagan ang sapatos mo kapag bago.
                                                                                                                            Mahirap sigurong makahanap ng kaibigang ganyan ano?Kasi sa panahon ngayon uso ang traydoran.Hindi mo na alam kung peke o tunay. Akala mo kaibigan mo pero anu pala… Ikaw ganito ka ba?


                     

Biyernes, Mayo 17, 2013

Meteor Fever



Taong 2003 nang ipinalabas ang Meteor garden  sa ABS-CBN. Maraming mga Pilipino ang tumutok sa kwento ni San Chai at maraming humanga sa grupo ng F4 na binubuo nina Dao Min Si, Hua Ze Lei, Xi Men at Mi Zuo. Sa pagsikat ng nasabing Taiwanese nobela ay biglang nagsulputan ang mga poster, cards,t-shirt, bag,pin,payong at kung anu-ano pa na mayroong mukha ng F4 at ni San chai na mabibili sa mga tiangge, bangketa at mga mall. Sympre hindi rin ako pahuhuli, sa totoo lang ang dami ko ring poster at cards noon, tandang-tanda ko pa iyong una kong poster na nabili ko pa sa labas ng school sa halagang 30 pesos at ang dami ko ring card na nakalagay pa sa isang malaking box sa sobrang dami mayroon din akong mga baraha iyon nga lang hindi ko na alam kung saan na napunta yung mga iyon



Hindi lamang mga kababaihan ang na-hook sa dramang ito kundi ang buong sambayang Pilipino, nakaabang Lunes hanggang Biyernes tuwing hapon.Kaya naman ito ang itinuturing na Highest Rated Philippine Asianovela of all time at ito din ang nagbigay ng dahilan kung bakit maraming Pilipino na ang nahuhumaling sa mga iba pang Asianovela..     
courtesy:Kapamilya Asianovelas Facebook
                                                                                                                                                             Sympre, maraming  pinoy din ang na-LSS sa dalawang theme song ng palabas na ito ang Qing Fei De Yi at Ni yao de ai  at hindi lang basta na-LSS isinalin din ito sa tagalog. “Byahe” ang  tagalog version ng kantang Qing Fei De Yi na  inawit ni Josh Santana.Natatandaan mo pa ito ?
♫♪Di ko alam hanggang kailan tayo♫♪
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay oh sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pagsumama ka sa aking biyahe
♫♪ Iaalay ko ang puso ko ohhhh...♫♪
                       
samatalang ang Ni yao de ai naman ay “ hanap ko ay yong pag-ibig” na inawit naman ni Michelle Ayalde .Sige nga tingnana natin kung alam mo pa yung kanta.
Ang hanap ko♫♪ 
Ay iyong pag-ibig 
Sama nating damhin 
Ang pag-ibig ko para lang sayo 
Sa puso ko yakap mo ay 
Sabik na hinihintay 
Pagkat sa buhay ko ang pangarap ko 
Tayo lamang hanggang sa huli♫♪

 ang mga awiting ito ay Most Requested Song sa iba’t ibang estasyon ng radio ,talagang Big Hit.
                                                                                                                                                                        Pati na rin ang mga kanta ng F4 ay kinakanta rin ng mga maraming pinoy kahit na hindi nila ito nauunawaan .Ipinalabas din ang music video nila sa Myx naalala mo pa ba yungOh Baby Baby Baby  My Baby Baby Wo Jue Bu Neng Shi Qu Ni♪♫?Nag-concert din sila dito sa bansa noon at dinumog ng mga Meteor Garden Fanatics  ang The Fort Open Field noong Dec. 26 2003.


            Nakakatuwa rin dahil mayroong mga batang naglalaro kalsada na ginamit ang mga pangalan ng F4 para makabuo ng isang maikling salaysay.



“Isang araw hinabol ako ng “DAO MING” aso( maraming aso) .Kaya umakyat ako sa puno ng kamatsiLEI (kamatsile) tapos nahulog ako sa XI MENto(semento) kaya nasabi kong “Ay! nakakaVANESS(banas) naman.”

                        Naalala mo pa ba yang kwento na  yan? Sadyang nakatutuwa talaga tayong mga Pilipino marami tayong naiisip na kakaibang mga bagay .



Sympre kung fashion di naman ang pag-uusapan hindi rin pahuhuli ang mga Meteor Garden fans. Maraming mga gumaya sa look nila San Chai at ng F4. Natatandaan ko nun sa eskwelahan namin ,grade 4 pa lang ako yung mga kakalse kong babae lahat sila  sling bag na ang ginagamit  at marami sa kanila ay nakatirintas ang buhok at kung minsan nakasuot din sila nung damit ni San Chai na may playboy bunny. Sa mga lalaki naman nauso ang mahabang buhok at sympre marming mga lalaki rin  ang nagsuot ng pulang bandana sa ulo.

Ang mga ito ay mga patunay lamang na nagkaroon ng malaking impluwensiya ang Meteor Garden sa ating mga Pilipino at hanggang ngayon ay nanatili pa rin sila sa ating mga puso.




 .

Huwebes, Mayo 16, 2013

Mga Dapat mong Gawin Bago ka Mag-18


Sinasabing kapag ang isang tao ay dumating na sa edad na 18 ikaw ay wala ng  gatas sa labi at isa ka nang  ganap na adult  o nasa independent stage na, maari na ka ng tumayo sa sariling mong paa at kasama ka na sa daigdig ng mga grown-ups.Kaya naman narito ang mga bagay na dapat mong gawin para ma-enjoy ang iyong kabataan.


1.Kumain ng mga paborito mong tsisirya at pagkain.
2.Lumabas at gumala sa mall o sa park  kasama ang iyong mga kabarkada
3.Mag-stargazing kapag gabi o di kaya naman panoorin ang sunrise o sunset
4.Tumatakbo ng tumakbo hanggang sa mapagod ang mga binti’t paa mo.
5.Gumawa ng scrapbook na naglalaman ng mga perfect moments ng buhay mo
6.Sikapin magkaroon ng 90+ o 1 .00na grade kahit sa isang subject man lang.
7.Magpuyat at mag-movie marathon kasama  si bestfriend
8.Kantahin ang iyong paboritong awitin hanggang sa mapaos
9.Matulog ng higit sa 8 oras
10.Magpa-autograh o humingi ng fan sign sa paborito mong artista.
11.Maglaro ng patintero o tagu-taguan sa kalsada.
12.Kamustahin ang  favorite teacher mo noong elementary.
13.Maligo sa dagat at gumawa ng sand castle
14.Bumili ng piggy bank at maghulog ng piso araw-araw.
15.Mag-Gm ng mag-gm hanggang sa mag-expire ang unli.
16.Kausapin si Crush
17.Bilhin ang isang bagay na matagal mo nang gustong mapasayo
18. ENJOY-in ang pagiging bata, minsan lang ito.


Biyernes, Mayo 10, 2013

My Girlfriend is a Gumiho

courtesy: google images

Ang “My Girlfriend is a Gumiho” ang pinakapaborito kong K-drama sa ngayon. Ibang lebel naman kasi ang kwela at kilig na hatid nito at iba rin ang level na pagka-hook ko sa k-dramang ito. May mga magagandang k-drama na rin akong napanuod pero iba talaga ang love story nina DaeWong at Mi Ho.Gustong-gusto ko ang kanilang mga kulitan, kapalpakan at mga kilig moments talagang bagay na bagay silang maging magka-loveteam. Marami akong gustong eksena sa  dramang ito una na dyan ay nang inutusan ni Mi ho si Dae Wong na  iguhit ang kanyang mga buntot sa painting na nasa templo. Ikalwa ay nang ipinakita ni Mi ho ang kanyang siyam na buntot  noong kabilugan buwan habang nagbabasketball si Dae Wong. Ikatlo ay nung tinuruan ni Dae Wong si Mi ho na mag-HuiHui.
courtesy: google images

May mga aral din na makukuha sa dramang ito gaya na lamang  sa love story ng Tita ni Dae Wong na si Cha Min Sook na umibig sa director na si Director Ban dito mo makikita na hindi pa huli ang lahat para umibig at makahanap ng taong magmamahal sa iyo.
courtesy: google images

Mayroong ding aral na matututunan sa kwento ng dalawang kaibigan ni Dae Wong na si  Byung Soo at Seon Nyuh, matatandaan na crush ni Seon Nyuh  si Dae Wong at hindi niya alam na may gusto pala sa kanya si Byung Soo pero kahit ganun ang kanilang estado sila ang naging magkasintahahn sa huli, ang aral na matututunan sa kanilang kwento ay huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka mahal bagkus tingnan mo iyong taong talagang totoong nagmamahal sa yo.
courtesy: google images

Hindi rin naman magpapahuli ang love story ng dalawang bida, ang aral na matutunan  sa kwento nila Dae Wong at Mi ho ay pag nagmamahal ka kailan mong tanggapin iyong taong mahal ng buo at kung kayo talaga, kayo talaga hanggang sa huli.
courtesy: google images


Talagang sagana sa saya, kilig at aral ang My Girlfriend is a Gumiho tutubuan ka ng siyam na buntot sa kilig.
courtesy: google images





Ang Nakaraan


“Past is past” gasgas na gasgas na ang kasabihang ito halos alam na ng lahat at pangkaraniwan na lang sa ating pandinig ang pahayag na ito.Maraming nagsasabi na dapat kinakalimutan na ang nakaraan at hindi na dapat balikan ang mga bagay na tapos na. Pero alam mo bang mayroong dalawang uri ng nakaraan? Ito ang good past at bad past.
                        Ang good past ai iyong nakaraang masaya, makabuluhan at talaga namang masarap balikan at sariwain. Sympre una na sa mga good past ay ang kasaysayan at ang mga perpektong sandali ng iyong buhay na talagang hindi mo maipagpapalit sa anumang yaman sa mundo samatalang ang bad past ay mga pangyayari o mga karanasang  kagimbal-gimbal na talagang ayaw na nating pag-usapan o balikan pa.

     Pero para sa akin, mahalaga pa rin na lumingon sa nakaraan kahit minsan , parang sa mga  teleserye yung “Ang Nakaraan” kung saan ipinakikita nila yung mga nakaraang pangyayari noong ipinalabas nila ang isang programa, ginagawa nila ito para malaman at maunawaan mo ang mga susunod na pangyayari sa palabas.Samakatwid  malalaman mo kung bakit ganito ang isang tao, bagay o pangyayari sa mga nakaraang pinagdaanan nito dahil ang nakaraan ang humubog sa kung sino at ano ka ngayon. Oo hindi lahat ng nakaraang natin ay masaya pero ang bottomline ay maganda man o pangit ang mga karanasang pinadaanan mo , nagkaroon ka man ng mga sugat at nasaktan ka man ang mahalaga ay may natutunan ka na magsisilbing sandata mo sa pakikibaka sa buhay.

Linggo, Mayo 5, 2013

The Bangka Experience


Ang highlight ng aking summer vacation ngayon ay ang unang pagsakay ko sa bangka. Kasama kong sumakay ang aking mga pinsan at ilang mga pamangkin.Sa totoo lang wala akong naramdamang kaba, takot o kaya tuwa ,pakiramdam ko para lang akong sasakay sa dyip na pangunahing sinsasakyan ng mga tao dito sa bansa.
Nang handa na ang lahat unti-unting inilayo ng mga bangkero ang bangka sa pampang at nang ito ay maari ng umandar ay binuksan na ng bangkero ang maingay na motor

.
Masarap sumakay sa bangka iba ang pakiramdam para ka lamang nasa duyan at inihehele iyon nga lang mga alon ang humehele sa iyo. Habang ako’y nakaupo at mahigpit na nakakapit ay nadarama ko ang malamig na simoy ng hangin at natitigan ko bughaw na tubig-dagat..Hindi rin maiiwasan na matalsikan ka ng tubig lalo na kapag may malalaking alon.

Isang masayang karanasan ang unang pagsakay ko sa bangka, umaasa akong hindi pa ito ang una at huli kong pagsakay.

First Year Memories Part 2


1.Humanities Class
-Isa ito sa mga klaseng ganadong-ganado  akong pumasok .Sino nga naman ba ang hindi sisipagin kung mahusay ang instructor mo at saka interesting din ang subject.

2.First Major
-Sympre na-excite talaga ako sa unang major ko, ang tagal ko din kasing gustong mag-major eh. Si Ma’am Norms ang prof namin buti na nga lang siya ang prof eh mas lalong naging exciting.

3.Playtime
-Naglaro din kami ng mga blockmates ko ng badminton ,marco polo sa likod ng canteen.Nag-feeling pre-school lang naman kami

4.F.E.U. Seminar
-Hindi ko rin malilimutan ang seminar naming sa F.E.U. kasama si Sir Vijae, Grabe ang dami palang estudyante sa Home of the Tamaraws.Isa sa mga di makakalimutang araw nung 1st year ako 

5.Field Demo
-Wahhh!! Ikaw na ang sumayaw ng Waka-Waka at 2012 sa init ng araw nung foundation day. Ang daming 
nanunuod at buwena mano dahil kaming unang nag-perform nun.

6.Kainan sa likod ng canteen
-Inangkin naming yung pwesto sa likod ng canteen sa school dun lagi kami kumakain at tumamtambay kasi pare-pareho na rin kami ng schedule kaya ganun tsaka presko yung lugar dito din kami gumagawa ng mga assignments at nagkekwentuhan.

7.Foundation Day
-unang beses kong naranasan ang masaya at makulay na foundation day ng school.Masaya ang daming activities at super festive.

8.3rd place, best booth
-ang saya kasi nanalo yung booth namin at nanalo kami ng 1,500

9.Mara Clara Shooting
Isa rin sa mga masayng memories nung first year ay yung nakita ko sina Kathyrn, Julia, Kiray and the rest of the cast ng Mara Clara. Yun nga lang hindi ako nakapagpapicture.

10.1st emcee  nung CAS-Ed week
-Nakakataba ng puso dahil pinagkatiwalaang kaming mag-emcee ni Mai nung contest sa Sabayang Bigkas nun.Ok naman at maganda ang feedback nila
                                                                                                                                                                11..Painting Session para sa Humanities
-Naalala ko pa din yung sabay-sabay kaming nag-paint ng sarili naming painting sa likod ng canteen, kanya-kanya kami ng business, nagkalat ang pinutra at tsitsirya sa pwesto namin nun.

            Masaya, makulay, puno ng mga sorpresa ang una kong taon sa kolehiyo. Marami akong mga bagong nakilala, nakasama,nakakwentuhan,nakaasaran at mga natututnan.Talagang mabilis ang takbo ng oras,ngayon nga ay hindi ko maisip kong paano ko naglagpasan ang mga sangkatutak na requirements, stress, at kakaibang routine noong First Year ako pero ang mahalaga eh naging MASAYA ang aking freshemen days