“Past is past” gasgas
na gasgas na ang kasabihang ito halos alam na ng lahat at pangkaraniwan na lang
sa ating pandinig ang pahayag na ito.Maraming nagsasabi na dapat kinakalimutan
na ang nakaraan at hindi na dapat balikan ang mga bagay na tapos na. Pero alam
mo bang mayroong dalawang uri ng nakaraan? Ito ang good past at bad past.
Ang good
past ai iyong nakaraang masaya, makabuluhan at talaga namang masarap
balikan at sariwain. Sympre una na sa mga good past ay ang kasaysayan at ang
mga perpektong sandali ng iyong buhay na talagang hindi mo maipagpapalit sa
anumang yaman sa mundo samatalang ang bad
past ay mga pangyayari o mga karanasang
kagimbal-gimbal na talagang ayaw na nating pag-usapan o balikan pa.
Pero
para sa akin, mahalaga pa rin na lumingon sa nakaraan kahit minsan , parang sa
mga teleserye yung “Ang Nakaraan” kung
saan ipinakikita nila yung mga nakaraang pangyayari noong ipinalabas nila ang
isang programa, ginagawa nila ito para malaman at maunawaan mo ang mga susunod
na pangyayari sa palabas.Samakatwid malalaman mo kung bakit ganito ang isang tao,
bagay o pangyayari sa mga nakaraang pinagdaanan nito dahil ang nakaraan ang
humubog sa kung sino at ano ka ngayon. Oo hindi lahat ng nakaraang natin ay masaya
pero ang bottomline ay maganda man o pangit ang mga karanasang pinadaanan mo ,
nagkaroon ka man ng mga sugat at nasaktan ka man ang mahalaga ay may natutunan
ka na magsisilbing sandata mo sa pakikibaka sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento