|
courtesy: google images |
Ang “My Girlfriend is a Gumiho” ang pinakapaborito kong
K-drama sa ngayon. Ibang lebel naman kasi ang kwela at kilig na hatid nito at
iba rin ang level na pagka-hook ko sa k-dramang ito. May mga magagandang
k-drama na rin akong napanuod pero iba talaga ang love story nina DaeWong at Mi
Ho.Gustong-gusto ko ang kanilang mga kulitan, kapalpakan at mga kilig moments
talagang bagay na bagay silang maging magka-loveteam. Marami akong gustong
eksena sa dramang ito una na dyan ay
nang inutusan ni Mi ho si Dae Wong na
iguhit ang kanyang mga buntot sa painting na nasa templo. Ikalwa ay
nang ipinakita ni Mi ho ang kanyang siyam na buntot noong kabilugan buwan habang nagbabasketball
si Dae Wong. Ikatlo ay nung tinuruan ni Dae Wong si Mi ho na mag-HuiHui.
|
courtesy: google images |
May
mga aral din na makukuha sa dramang ito gaya na lamang sa love story ng Tita ni Dae Wong na si Cha
Min Sook na umibig sa director na si Director Ban dito mo makikita na hindi pa
huli ang lahat para umibig at makahanap ng taong magmamahal sa iyo.
|
courtesy: google images |
Mayroong
ding aral na matututunan sa kwento ng dalawang kaibigan ni Dae Wong na si Byung Soo at Seon Nyuh, matatandaan na crush
ni Seon Nyuh si Dae Wong at hindi niya
alam na may gusto pala sa kanya si Byung Soo pero kahit ganun ang kanilang
estado sila ang naging magkasintahahn sa huli, ang aral na matututunan sa
kanilang kwento ay huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka mahal
bagkus tingnan mo iyong taong talagang totoong nagmamahal sa yo.
|
courtesy: google images |
Hindi rin naman
magpapahuli ang love story ng dalawang bida, ang aral na matutunan sa kwento
nila Dae Wong at Mi ho ay pag nagmamahal ka kailan mong tanggapin iyong taong mahal ng buo at kung kayo talaga, kayo talaga hanggang sa huli.
|
courtesy: google images |
Talagang sagana sa saya, kilig at aral ang My Girlfriend is a Gumiho tutubuan
ka ng siyam na buntot sa kilig.
|
courtesy: google images |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento