Taong 2003 nang
ipinalabas ang Meteor garden sa ABS-CBN.
Maraming mga Pilipino ang tumutok sa kwento ni San Chai at maraming humanga sa
grupo ng F4 na binubuo nina Dao Min Si, Hua Ze Lei, Xi Men at Mi Zuo. Sa pagsikat ng nasabing Taiwanese nobela ay
biglang nagsulputan ang mga poster, cards,t-shirt, bag,pin,payong at kung
anu-ano pa na mayroong mukha ng F4 at ni San chai na mabibili sa mga tiangge,
bangketa at mga mall. Sympre hindi rin ako pahuhuli, sa totoo lang ang dami ko
ring poster at cards noon, tandang-tanda ko pa iyong una kong poster na nabili
ko pa sa labas ng school sa halagang 30 pesos at ang dami ko ring card na
nakalagay pa sa isang malaking box sa sobrang dami mayroon din akong mga baraha iyon nga lang hindi ko na alam kung saan na napunta yung mga iyon
Hindi lamang mga kababaihan
ang na-hook sa dramang ito kundi ang buong sambayang Pilipino, nakaabang Lunes
hanggang Biyernes tuwing hapon.Kaya naman ito ang itinuturing na Highest Rated
Philippine Asianovela of all time at ito din ang nagbigay ng dahilan kung bakit
maraming Pilipino na ang nahuhumaling sa mga iba pang Asianovela..
courtesy:Kapamilya Asianovelas Facebook |
Sympre, maraming pinoy din ang na-LSS sa dalawang theme song
ng palabas na ito ang Qing Fei De Yi at Ni yao de ai at hindi lang basta na-LSS isinalin din ito sa
tagalog. “Byahe” ang tagalog version ng
kantang Qing Fei De Yi na inawit ni Josh
Santana.Natatandaan mo pa ito ?
♫♪Di ko alam hanggang kailan tayo♫♪
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay oh sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pagsumama ka sa aking biyahe
♫♪ Iaalay ko ang puso ko ohhhh...♫♪
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay oh sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pagsumama ka sa aking biyahe
♫♪ Iaalay ko ang puso ko ohhhh...♫♪
samatalang ang Ni yao
de ai naman ay “ hanap ko ay yong pag-ibig” na inawit naman ni Michelle Ayalde .Sige
nga tingnana natin kung alam mo pa yung kanta.
♪♫Ang hanap ko♫♪
Ay iyong pag-ibig
Sama nating damhin
Ang pag-ibig ko para lang sayo
Sa puso ko yakap mo ay
Sabik na hinihintay
Pagkat sa buhay ko ang pangarap ko
♪♫Tayo lamang hanggang sa huli♫♪
Ay iyong pag-ibig
Sama nating damhin
Ang pag-ibig ko para lang sayo
Sa puso ko yakap mo ay
Sabik na hinihintay
Pagkat sa buhay ko ang pangarap ko
♪♫Tayo lamang hanggang sa huli♫♪
ang mga awiting ito ay Most Requested Song sa
iba’t ibang estasyon ng radio ,talagang Big Hit.
Pati na rin ang mga kanta ng F4 ay kinakanta
rin ng mga maraming pinoy kahit na hindi nila ito nauunawaan .Ipinalabas din
ang music video nila sa Myx naalala mo pa ba yung ♫Oh Baby Baby Baby My Baby Baby Wo Jue Bu Neng Shi Qu Ni♪♫?Nag-concert
din sila dito sa bansa noon at dinumog ng mga Meteor Garden Fanatics ang The Fort Open Field noong Dec. 26 2003.
“Isang araw hinabol ako
ng “DAO MING” aso( maraming aso) .Kaya umakyat ako sa puno ng kamatsiLEI
(kamatsile) tapos nahulog ako sa XI MENto(semento) kaya nasabi kong “Ay!
nakakaVANESS(banas) naman.”
Naalala mo pa ba yang kwento na yan? Sadyang nakatutuwa talaga tayong mga
Pilipino marami tayong naiisip na kakaibang mga bagay .
.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento