Ang highlight ng aking summer vacation ngayon ay ang unang
pagsakay ko sa bangka. Kasama kong sumakay ang aking mga pinsan at ilang mga
pamangkin.Sa totoo lang wala akong naramdamang kaba, takot o kaya tuwa
,pakiramdam ko para lang akong sasakay sa dyip na pangunahing sinsasakyan ng
mga tao dito sa bansa.
Nang handa na ang lahat unti-unting inilayo ng mga
bangkero ang bangka sa pampang at nang ito ay maari ng umandar ay binuksan na
ng bangkero ang maingay na motor
.
Masarap sumakay sa bangka iba ang pakiramdam para ka
lamang nasa duyan at inihehele iyon nga lang mga alon ang humehele sa iyo.
Habang ako’y nakaupo at mahigpit na nakakapit ay nadarama ko ang malamig na
simoy ng hangin at natitigan ko bughaw na tubig-dagat..Hindi rin maiiwasan na
matalsikan ka ng tubig lalo na kapag may malalaking alon.
Isang masayang karanasan ang unang pagsakay ko sa bangka,
umaasa akong hindi pa ito ang una at huli kong pagsakay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento