Huwebes, Nobyembre 28, 2013

GAD PISAY TEACH TOP 5 MEMORABLE EXPERIENCES





5. Day 1- isa sa mga memorable ang unang araw na pagpunta namin sa Philippine Science High School dahil kami ang unang dumating sa mga delegado,sa araw ding ito ay nakilala ko ang mga makakasama ko sa 5 araw na seminar-training,sa araw na ito rin ay nakilala ko ang mga facilitator,mentor,speaker at sympre ang mga kapwa ko delegado.Ang mga delegado ay nagmula sa iba’t ibang pamantasan at kolehiyo sa NCR at Bulacan.Ang mga kolehiyo at pamatasang pinanggalingan ng mga delegado ay ang mga sumusunod:

Bulacan State University (BSU)
           Central Colleges of the Philippines (CCP)
           City University of Pasay (CUP)
         Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP)
         Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM)
           Pamantasan ng Lunsod ng Valenzuela (PLV)
           University of Makati (UMAK)


4. Campus Tour- isa rin sa masayang karanasan ko ay ang campus tour dahil ipinasyal kami sa buong eskwelahan upang makita ng kanilang mga kwarto,laboratoryo,tanggapan at mga pasilidad.Namangha ako dahil napakalaki ng kanilang campus at malalaki at mataas ang kanilang mga building,malalawak ang mga hagdan at maraming mga puno’t halamang nakapagpapadagdag ng kagandahan sa paaralan, mayroon din silang dorm,soccer field at day care.

3. Team Buliding- isa rin sa pinakamasaya at highlight ng seminar na ito sapagkat dito ay mas nakilala ko at nakahalubilo ang ibang mga delegado at isa rin ito sa naging daan upang kami ay lalong maging close sa isa’t isa.

2. Graduation Day- memorable din sapagkat ito ang huling araw namin sa PISAY,kami ay labis na natuwa dahil sa dami ng give aways na ibinigay ng libre at ang pinaka the best give away ay ang PISAY t-shirt,ang araw ring ito ay araw ng piktyuran at palitan ng cp number at fb accounts at sympre ang masayang pamamaalam.

1. MICROTEACHING- ito ang pinakamemorable na experience ko sa PISAY teach sapagkat dito talaga nagtagisan ng galing ang iba’t ibang delegado na magturo sa loob lamang ng 5 minuto, naging mahalaga sa akin ang araw na ito sapagkat ako’y nagpanggap bilang isang special child para sa demo ng aking kaibigang SPED teacher,natutuwa naman ako dahil magaling daw akong umarte.

Sa kabuuan masasabi kong isang masayang karansan ang seminar na iyon sapagkat ito ay nagtanim sa akin ng maraming kaalaman,may mga bago akong natutunan na talagang magagamit ko kapag ako’y nagturo na at higit sa lahat masaya ako dahil lumawak ang aking mundo at may mga nakilala akong mga bagong kaibigan.

GAD PISAY TEACH 3 DIARIES (PART 2)

Day 3
         Nagclassroom observation kami sympre by major at kasama ko ulit sina Mai, Lourdes, Russel at Merland.Na-late si Kat kasi deployment na nila (buti pa sila deployed na kailan kaya kami?)Pakiramdam ko Field Studies subject ko lang habang nag-oobserve kami.
          Absent nga lang iyong teacher na una naming oobserbahan kaya naman niyaya na lamang kami ni Gng.Aguila para manood ng dramatic monologue, nakatutuwa dahil kami lang yata ang nakapasok sa teatro nila sa mga delegates (ang lamiiiggg! Buti na lang at may mahabang sleeves ang damit ko.) habang pinanonood ko yung mga batang nagtatanghal, naalala ko ang aking HS days,ginawa ko rin ito dati at sa isa pa naming subject napakanostalgic lang para sa kin ang moment na iyon at Noli Me Tangere pa ang topic nila.(reminiscing 3rd year HS memories.)
          Nag-observe din kami sa klase ni Ma’am Guimarie,Ma’am Fermin at kay Bb.Aguila nang araw din iyon ay halos iyon lang ang ginawa namin at naghanda na rin kami para sa Microteaching,(ako petiks lang,sa totoo lang lahat kami petiks lang nung araw na iyon.Sobrang confident naming lahat)
          
       Microteaching na,moment of truth

                      Day 4      
                         
Yehey! Nalampasan namin ang Microteaching,ang sarap ng pakiramdam na makatapos ka.Nakatutuwa dahil maganda ang mga feedback sa akin nina Gng, Sanchez at ni Ma’am Sarmago
                       Kakaibang expereince to para sa amin,kailangan naming mag-demo in 5 minutes .Dinivide ang grupo sa dalawa Cluster A & B at kasama ako sa cluster A(sana cluster B na lang ako,)



demo ni Erica
Ayun halos lahat ng mga delegates ay nagpamalas ng galing sa demo, kanya-kanyang gimmick. Pero nagpapasalamat talaga ako kay Erica from Umak dahil kundi dahil sa kanya hindi magiging memorable ang microteching,nagpanggap akong special child para sa demo niya,siya lang kasi ang nag-iisang SPED major sa amin,natutuwa ako dahil magaling daw ang pagkakaacting ko sabi nila,(Yes,FAMAS na ito).

MOST UNFORGETTABLE DAY EVER!
                   Day 5
         
                  Sabi nga nila lahat ay may hangganan.Graduation Day na at ito na ang huling araw namin sa PISAY (why is it so fast?).Kung pwede lang hindi matapos ang araw na pero wala eh,ganun talaga move-on,move on din.

                   Masaya ako dahil kami ang “MOST PUNCTUAL GROUP” (hindi nasayang ang pamasahe sa taxi) at ako naman ang “MOST PUNCTUAL DELEGATE” at “MOST HELPFUL DELEGATE” naman si Allan. Natutuwa rin ako kasi isa si Erica sa BEST DEMO(wohoo!!Clap,clap,clap). Pakiramdam ko best demo na rin ako nun.
wacky picture habang suot ang GAD PISAY TEACH shirt

                 Ang pinakahiglight ng last day namin ay ang sabay-sabay na pagsusuot namin ng t-shirt ng PISAY(huwag ring kalimutan ang mga libreng give aways) at ang picture taking namin at ang group hug.


mga give away 

                 Tulad ng graduation,hindi matapos ang piktyuran at palitan ng pamamalaam(ok lang may fb naman).Ang araw na iyon ay hindi ang katapusan bagkus ang simula,simula ng panibagong yugto para sa aming buhay bilang guro sa hinaharap,simula ng mga bagong pagsubok at simula ng bagong pagkakaibigan.
                    


Ma-mimiss ko ang PISAY! (ang kulit ko nuh,di maka-move on)
                   
      Aatend pa rin ako next year. (Maghahanda ako para sa PISAY TEACH YEAR 4)
                   

       See you guys,thanks for the memories
  


*Special thanks to Aaron Lascano & Erica Matoza for the photos

GAD PISAY TEACH 3 DIARIES (PART 1)

Day 1
Maaga akong gumising dahil unang araw ng seminar namin  sa Philippine Science High School.4:00 n.u. ako bumangon, kahit na inaantok pa ay pinilit kong gumising at maghanda.
          Natutuwa ako sapagkat maaga kaming nakarating sa PSHS, kami ang pinakaunang dumating , kaaunti pa lamang ang mga tao nang mga oras na iyon,habang naghihintay ay nagmasidmasid kami sa paligid,labis kaming namangha sa mga estudyante sapagkat karamihan sa kanila ay matatas sa Wikang Ingles at halos lahat sila ay hinahatid ng kotse. (wow!)
          
courtesy:google images

         Nang dumating na kami sa lugar na pangyayarihan mismo ng seminar ay nakita namin ang ibang delegadong aming makaksama,sila ay ang mga mag-aaral mula sa University of Makati,dahil nga sa kami ay maaga, nagkaroon  kami ng piktyuran at kaunting kwentuhan at tanungan ngunit pagkatapos nun ay balik ulit sa dati(ganon talaga kapag first day,kunwari shy) at pagkatapos nun ay nagdatingan na rin ang iba pang mga delegado mula sa ibang pamatasan at kolehiyo,mga limang minuto lang ang hinintay namin at pinapunta na rin kami sa quadrangle para sa kanilang flag ceremony,nakakatuwa dahil pakiramdam ko isa na naman akong estudyante sa highschool(ang tagal ko na ring hindi nakaattend ng flag ceremony) ang masaya rito ay ipinakilala kami sa mga guro’t mag-aaral ng PISAY,unang una pang tinwawag ang school namin nun,umakyat kami sa entablado at lahat ng mata ay nakapako ang tingin sa amin.(special guest lang? ).

Ipinakikilala ang mga delegado sa mga mag-aaral at guro ng PSHS

         Pagkatapos ng flag ceremony ay balik na ulit kami sa venue para sa registration at para na rin simulan ang seminar.Maganda at napakabuluhan ang seminar sapagkat pawang mahuhusay na guro ang nagsalita at nagbahagi ng kaalaman,masaya at masasabi kong nabusog ang utak ko sa kaalamang ibinahagi nila.

    Sa araw ding ito ay ipinasyal kami sa buong paaralan lahat kami ay namangha sa laki at ganda ng school,nakita namin ang kanilang mga classroom,canteen,dorm,laboratories,offices at marami pang iba,ang pinakanagustuhan ko sa tour namin ay ang mga painting sa bintana na gawa mismo ng mga mag-aaral  na animo’y stained glass sa simbahan,maganda,makulay at hindi mo pwedeng hindi tingnan.

Bintanang animo'y stained glass sa simbahan
Nakakapagod ang unang araw pero ayos lang iyon sa amin dahil marami naman kaming natutunan.

          2nd day na bukas,gigising ulit ng maaga.
          

Day 2
          What a Day!
          Second day na namin sa PSHS,nakatutuwa dahil may nakausap na akong delegates mula sa ibang school okey rin iyong naisip ni Ma’am Capundag na “discuss with your buddy activity”,kahit paano naman ay may iba na kaming nakaharap at nakausap.Una kong nakausap si Geraldine from CUP,dahil siya ang katabi ko,sunod naman si Clark from BSU, at si Eli from PLM. Ayun ,kaunting kwentuhan (atleast nag-usap na rin).
   Second round ng “discuss with your buddy activity” ay muli kaming na shuffle at iba na ang buddy ko,si Gelai from PLV naman ang nakausap ko.
"discuss with your buddy activity"

          Nagkaroon din ng talk about waste segragation at pagkatapos naman  ay nagkaroon ng mentoring by major,sympre kasama ako sa Filipino group kasama ko si Mai, Kat, Lourdes, Russel at Merland. Si Gng. Mercidita Sanchez(a.k.a Nanay Merz) ang nagmentor sa amin,nakatutuwa dahil ang dami niyang ibinahagi sa aming kaalaman, hindi lamang sa estratehiya sa pagtuturo kundi pati na rin ang kanyang mga karanasan na nakapagbigay sa kanya ng inspirasyon upang maging isang mabuting guro.
          
   Pero ang highlight talaga ng araw na ito ay ang team building,ayon sa mga facilitator sa batch daw namin unang nagkaroon ng team building (iyon nga lang nabura daw ang mga pics).Ang team building ay pinamunuan ni Gng.Celeste Aguila (a.k.a Mama Eagle) at sympre ang kanyang anak na si Bb. Aguila (a.k.a Eaglet).Group 1 ako ,masaya ang team building talaga namang naging daan ito upang maalis ang ilangan at magkakilala kami ng lubusan,simula nga noong team building kahit paano ay kumakain na kami ng  magkakaharap hindi na kami nakagrupo.
          
  Ang Saya lang !



*Special thanks to Niño Locsin & Sir Tolits Englatera for the photos.

Lunes, Nobyembre 4, 2013

Mga Dapat Gawin sa Second Sem



coutsey:google images

Second Sem na at simula na naman ng mga panibagong  pagsubok pang-akademiko,balik na naman sa paggising ng maaga,paggawa ng mga assignments,sympre mayroon na namang mga term paper at kung anu-ano pang mga gawain na makakapagpapayat at makapagpipga ng utak ang makakasalubong sa pagpasok ng ikalawang semestre.Narito ang ilang mungkahi na dapat gawin sa panibagong semester.

1.Bumawi-applicable to sa mga estudyanteng nagkaroon ng hindi magandang grade noong 1st sem. Bumawi ka sa prop mo, ipakita mo na deserving kang pumasa.

2.Magsipag-ibahin o baguhin na ang routine, magkaroon ng sitema,unahin muna ang school works and requirements bago ang fb, inuman, galaan, date, outing at kung anu-ano pa. Kung masipag ka naman well good,mas lalo ka pang magsipag para okey.

3.Face new challenges with a Smile -may mga bagong pagsubok na naman na kahaharapin sa second sem kaya dapat handa ka nasa mga bagong pagsubok. Gaya ng bagong profs na terror,mga groupmates na walang naitutulong,mga subjects na nakatatakot pasukan,mga events na sasabay sa mga school requirements pero grace under pressure pa rin dapat.

Masarap mag-aral  kahit nakapupuyat,nakaguguyom,nakauubos ng pera at nakapapagod, pero darating ang araw ma-mi-miss mo din ang mga gawain sa school,ma-mi-miss mo ang mga prof mo,mga crew sa canteen, mga pusang gumagala sa school grounds, mga masusungit na librarian. Kaya dapat enjoy lang at sulitin ang pagkakataon magpasalamat ka dahil nakapag-aaral ka.

Fabulous Boys Realizations

courtsey:google images


Ang Fabulous Boys ay ang Taiwanese Version ng Koreanovelang “He’s Beautiful.” Sa panonood ng dramang ito ay natanto ang mga sumusunod:

1. Mahirap maging Artista
-Ang pagiging isang sikat na artista ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroonng mga nagsisigawang fans,magbibigay ng autograph,pictorials,pagkakaroon ng magandang sapatos, bag at sasakyan.Haharapin mo rin kasi ang ilang problema gaya ng violent reactions ng mga fan sa lovelife mo at ang mga makukulit na press na gustong hukayin ang lahat sa pagkatao mo para mailagay sa dyaryo at pagkakitaan.

2. There are persons who can’t love you back
May mga tao talaga na kahit alayan mo ng pagmamahal ay hindi ka kayang mahalin sapagkat mayroon silang ibang mahal.Gaya ni Jiang Xin Yu at ni Jeremy ginawa ang lahat para kay Gao Mei Nu ngunit si Huang Tai Jin  pa rin ang kanyang pinili.Wala tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ang mapait na katotohanan.


3. “What you see is what you get” ay hindi palaging totoo.
Hindi lahat ng nakikita ng mata natin ay totoo minsan kailangan nating unawain ang mga bagay .Gaya na lamang ng kunyaring paghalik ni Huang Tai Jin kay Liu Xin Ning akala ni Gao Mei Nu at  ng press ay  totoong magkarelasyon ang dalawa,ngunit “just for show” lang pala ito. Kaya kailangan muna natin alamin ang katotohanan at magkaroon ng bukas na pag-iisp.

4. Pagpapatawad at Second Chances
-Lahat ng tao ay dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon upang makabawi sa kanilang pagkukulang at pagkakamali.Tulad ng ina ni Huang Tai Jing ,humingi ito ng tawad sa lahat ng pagkakataon at pagkakamali na siya naman pinagbigyan ng kanyang anak.

Miyerkules, Oktubre 30, 2013

It's a Small World


Mga bandilang ginawang banderitas sa isang mall.


Ang buwan ng Oktubre ay hindi lamang Buwan ng Rosaryo o Buwan ng Halloween. Ito rin ay United Nations Month. Kaya mabili sa mga mall ang iba’t ibang costume ng iba’t ibang bansa at nagdaraos ng pagdiriwang ang iba’t ibang eskuwelahan mula kinder hanggang highschool.Nagkakaroon ng mga pageant na parang Miss World na tintawag na Mr.&Miss U.N.,nagkakaroon din nga mga parade na mayroong mga batang nagwawagayway ng iba’t ibang bandila.


Noong Oktubre 26 isa ako sa mga nakasaksi sa ginanap na parade sa isang mall. Maraming mga bata ang kasali sa parada,mula sa cinema hanggang sa pinakababang palapag ng mall ay nagmartsa ang mga bata suot ang mga costume ng iba’t ibang bansa na sinsabayan ng pagtugtog ng isang banda ng musiko ng kantang “It’s a Small World After All”.Masaya ako habang pinanonood ko ang parada bumalik din sa alala ko ang aking elementary days at nabusog ang mga mata ko sa mga magagandang costume.



Linggo, Oktubre 20, 2013

Mga Dapat Gawin Kapag Sembreak

 courtesy: google images


Ito na ang pagkakataon na hinihintay ng mga estudyante lalo na ng mga college student,tapos na ang mga panahon ng pagbababad sa library para mag-review,tapos na ang panahon sa pagpapaprint,tapos na ang mga gabing walang tulog sa paggawa ng term paper. Ito na ang araw para naman paligayahin ang iyong sarili.

1. Maglinis ng kwarto- panahon na para  magbawas ng mga papel, kalat at mga bagay na hindi na kailangan. I-clear mo na rin ang study table mo na tambak ng photocopy.

2.Makipagkita sa mga highscool friends- ito na ang pagkakataon niyo para muling magkita at magkwentuhan,gumala at magpakasaya(especially sa mga first year students)Mas maganda kung nakakusap at nakakaharap mo sila kaysa yung ka-chat mo lang sa fb di ba?

3. Bawiin ang tulog- bawiin na ang tulog ilang buwan ka ring gumising ng maaga para hindi mahuli sa 7:30 class mo, ilang gabi ka rin naglamay sa harap ng computer para sa paggawa ng iba’t ibang paperworks.

4. Mag-foodtrip- nakakapagod ang unang sem at tambak ang mga kailangang ipasa kaya naman minsan nakalilimot na rin kumain.It’s time para bumawi at para tumaba kahit kaunti.

5. Relax –ito ang panahon para sa iyong “ME” time,bigyan mo ang sarili mo ng reward gaya ng movie marathon,mag-window shopping,salon treatment,massage at iba pang nakakatanggal pagod na gawain.

6.Sumubok ng bago- nakapagbasa ka na ba ng nobela?Nasubukan mo na bang mag-zip line? Nakapanuod ka na ba ng sunset?Marunong ka na bang magluto ng kare-kare? Nakapagsulat ka na ba ng sariling mong kwento? Nakapaglakbay ka na  ba mag-isa? Kung hindi mo pa nagagawa,Try mo naJ

7. Sanayin ang iyong talento- tapos na ang paggawa ng mga assignment at iba pang requirements,oras na para hasain pa lalo ang iyong mga kakayahan.Magpractice ulit mag-drawing,maggitara,kumanta,magpainting at iba pa.

8. Bumisita sa mga museum,park,zoo at mga exhibit-Huwag lang puro mall ang puntahan.Dalawin mo rin ang obra maestra ni Juan Luna sa National Museum,maglakad-lakad sa Luneta at panoorin ang dancing fountain o kaya mag-underweater adventure sa Ocean Park.


Siguro naman mayroon ka ng ideya kong anung gagawin mo sa Sembreak? Sana nakatulong ang mga tip ko,para maramdaman mo ang Sembreak ,pakinggan mo ang awiting ito ng Moonstar88 http://www.youtube.com/watch?v=Abn_l3dA_r4

Enjoy your Sem break!
courtesy:google images


The Cosplay Experience

Hindi na bago ang cosplay sa Pilipinas sapagkat marami ng mga taong gumagawa nito(lalo na ng mga kabataan) na nagdadamit na katulad ng isang anime,cartoon o comic book character.
Pero iba pala talaga ang pakiramdam na makita mo ng “live”. Sa di inaasahang pagkakataon ay nakakita  ako ng maraming mga cosplayer nung araw na iyon, sabado kasabay ng 34thManila InternationalBook Fair sa SMX.
Matapos kong makiusyoso sa book fair ay pumunta naman ako sa second floor upang makiusyoso sa cosplay convention na iyon.

courtesy:google images


“A” for effort talaga ang mga cosplayers,mula ulo hanggang paa, pati pa nga rin kulay ng mata at pilikmata ay mayroon mga aksesorya para lang magaya ang hitsura ng kanilang paboritong character.nakatutuwang tingnan ang mga makukulay na wig,mga laruang armas gaya ng baril,espada,wand at iba pa.


Sayang nga lang at lowbat na ang camera ko noon kaya hindi man lamang ako nakapagpapicture kahit sa isang cosplayer man lang.Sabagay may ibang pagkakataon pa rin naman atleast nabusog ang aking mga mata noong araw na iyon.

The 34th Manila International Book Fair Experience

First time kong pumunta sa isang malaking bookfair na ginanap sa SMX Convention Center. Pumunta ako upang makiusyoso at upang malaman kung ano ang ambiance at ang mga aktibidades doon at sabi ko rin sa sarili ko na kailangang makabili ako ng kahit isang aklat at makapagpabook-sign sa kahit isang author.

courtesy:googleimages

Pagpasok ko ay sinalubong na ako ng maraming taong namimili at ang mga malalaking booth ng iba’t ibang publishing house. Umaapaw sa aklat ang convention center at punong puno ng iba’t ibang aklat.May textbooks, pocketbooks, coloring books,picture books, history books, religous books, cook books,novels, mga aklat pambata, mga komiks,mga aklat pandalubhasaan at marami pang iba na mabibili sa halagang abot-kaya dahil halos lahat ng libro ay may discount may 50% ,30%,20% at 10%. Kaya naman masayang mamili at paraiso talaga ang lugar na iyon para sa mga booklover.

Highlight ng event ang mga booth ng iba’t ibang publishing house.Ang pinakanagustuhan ko ay ang booth ng Adarna House dahil pambata ang dating at ang kyut din ng t-shirt ng mga staff na nanduon . Mayroon pang nakapaskil na 150 birth anniversary ni Andres Bonifacio. Hindi pwedeng hindi ka tumignin sa booth ng Adarna House, talagang babalik ka sa pagkabata.Nagustuhan ko rin ang paper bag nila na nakadrawing si Pilandok at pati na rin ang libreng mga sticker at bumili  rin ako ng isang libro na isa sa mga new release  “Ang Pamana ni Andres Bonifacio”.

Ang librong nabili ko sa Adarna House at ang kyut na Pilandok paperbag

Isa rin sa mga highlight ng book fair ay ang mga book signing, noong pumunta ako nakita ko sila Ambeth Ocampo(kilalang historyador at researcher sa buhay ni Rizal) Marcelo Santos III  (sikat na author ng Love Story on Videos sa Youtube at ang may-akda ng “Para sa Hopeless Romantic”) at  si Ronald Molmisa(best selling author ng “Lovestruck books”.)

Isa sa memorable experience ko ay ang book signing ko kay Ronald Molmisa. Natutuwa ako dahil nakita at nakausap ko na rin siya ng personal at napirmahan din ang librong binili ko.Masaya pala sa pakiramdam ang pumila para magpa-booksign kahit na mahaba ang pila nakakainis nga lang at wala kaming picture,pero okay lang magkikita pa ulit kami.
Ang librong nabili kong may book sign mula kay Ronald Molmisa

Habang naroroon ako ay natanto ko ang kahalagahan ng aklat at pagbabasa, hindi lang basta ito libangan at bagay na makapagbibigay ng impormasyon o bagay na kumikiliti sa ating imahinasyon,isa itong instumento para sa pagbabago,pagbabago hindi lamang ng ating sarili kundi pati na rin ng ating lipunan at bansa.Masaya ang araw na iyon para sa akin dahil mayroon na naman akong naidagdag sa aking mini library at mayroon na naman ako kakaibang karansang babaunin sa aking puso.

Lovestruck Singles Edition

Talagang malaki ang tagumpay na narating ng aklat ni G.Ronald Molmisa na pinamagatang “Lovestruck Love mo siya? Sure ka ba?”. Isang aklat na tungkol sa iba’t ibang aspekto ng buhay pag-ibig na kapupulutan ng mga payo, kwento tungkol sa mga totoong karansan, makabuluhang impormasyon at mga gintong aral na mula sa Bibliya.Totoong malaking isyu ang lovelife lalo na sa mga teenager.Kaya naman hindi nakapagtataka na naging isang Bestseller ang aklat na ito.
                   



Ayon kay G. Molmisa, mayroong mga apsekto ang hindi niya lubusang natalakay sa una niyang aklat kaya naman laking tuwa ng marami( lalo na ang mga fans ng unang aklat ) dahil naglabas siya  ng ikalawang edisyon na tungkol din sa buhay pag-ibig ngunit nakatuon sa mga taong walang katipan o sa madaling salita ,ang mga “single” na pinamagatang “Lovestruck Singles Edition”.
                   Kung titingnan ang pattern ng pagkakasulat ay katulad lang din ng unang  libro ngunit mas seryoso na ng kaunti dahil sabi nga ng may-akda.
                   “Panahon na upang pagbigyan naman ang mga twenteens(21 years old and up) at eligible singles na may iba nang kinahaharap na mga isyu sa buhay.”

Tinalakay ng aklat nang malaliman ang buhay ng mga taong single mula sa mga dahilan kung bakit sila single, tips sa panililigaw,mga uri ng relasyon sa kasalukuyang panahon(M.U. ,online relationships at long distance relationships) at iba pa.

Nakakatuwa rin sapagkat lumikha siya ng mga sariling kahulugan para sa mga akronim gaya ng mga sumusunod:
HTML (How To Make Love)
CPR (Cry, Ponder on what happened,Reboot)
FBI (Female Body Inspection)
Natutuwa din ako sa ikaapat na kabanata na tumatalakay sa pinakausong estado ng relasyon sa kasalukuyan ang M.U. ,nakatutuwa dahil ang mga suhestiyon niya ay nagsisimula din sa M at U.  Intersante ring basahin ang tsapter two na tumatalakay sa kaibahan ng lalaki at babae na lubusang nakaaapekto pagdating sa pakikipagrelasyon.Higihlight din ng libro ang lovestory ni G. Molmisa.Malaya niyang isinalaysay ang kanyang lovelife na gaya din ng iba siya ay umibig,nabigo,nasaktan,nag-move on hanggang sa nahanap niya rin ang tamang taong mamahalin niya at magmamahal sa kanya.


Lubos ko rin ikinatuwa dahil mayroong mga cliché sa Filipino at Ingles na kanyang ginamit gaya nito.
*Health is wealth
*Kung may tiygaa ay nilaga.
 Gasgas na ito sa ating pandinig ngunit ang diwa at aral na inihahatid nito ay walang pinipiling panahon at di kailanman magbabago.
Mayroon din siyang mga quotes na nagmula sa iba’t ibang personalidad gaya ni Albert Einstein, Mother Teresa at Emile Bronte at iba pa.
Mayroon ka ring matutunan sa sociology, sapagkat tinalakay niya ang ilang mga kaugalian sa panliligaw sa iba’t ibang bansa gaya ng China, India, United Kingdom at maging sa Pilipinas.


Pinupuri ko rin ang kanyang kasipagan sa pananaliksik sapagkat kitang kita naman sa mga huling tala na gumamit siya ng iba’t ibang aklat at website para mas lalong patibayin ang kanyang mga sinsabi at makapagbigay ng iba pang kaalaman.
Pagdating naman sa pisikal na aspekto ng aklat nakaka-goodvibes dahil sa ito ay kulay pula na talagang nakatatawag pansin. Mas makapal ito sa naunang edisyon dahil ito ay binubuo ng 124 na pahina.



Nakakatuwang basahin ang aklat talaga naman makapagbibigay ito ng kabuluhan sa buhay ng maraming single pero ang talagang nagustuhan ko sa aklat na ay ang huling pangungusap ng huling kabanata.

“God Bless your heart.”


Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob ng mabasa ko ang huling pangungusap na iyon.Nagpapasalamat ako kay G. Molmisa dahil nakaisip siyang maglabas ng ganitong aklat. Ang aklat na ito ay makapagsisilbing tanglaw ng maraming tao sa pagtahak sa masalimout na mundo ng pag-ibig.


*Lahat ng mga pangungusap at salitang nakaitalika ay sinipi mula sa aklat na “Lovestruck Singles Edition” ni Ronald Molmisa.

Lunes, Oktubre 7, 2013

Lucky 8 Tips para Pumasa sa Finals

Para sa mga College Student ito ang Lucky 8 tips para pumasa ka sa Final Examinations.

courtesy:Google Images

1. Ikondisyon ang sarili- ikondisyon muna ang sarili bago mag-review, huwag munang isipin si crush o c bf/gf aral time muna. Uminom ng tubig, manuod muna saglit o kaya naman makinig ng live music upang magising ang utak.

2.Kumain ng Mani- klasiko nang gawain ito brain food daw kasi ang mga mani.

3. Maghanap ng tamang pwesto - huwag pumwesto sa makakarinig ng ingay o kaya naman sa mga bagay na makakagambala sayo(computer,cellphone t.v. etc).

4. Ihanda ang electric fan o aircon- sympre kailangan tamang temperature lang, hindi masaydong mainit para hindi mairita at hind masyadong malamig para hindi antukin. Kailangan ng  tamang bentilasyon.

5. Magpahinga kada 10 mins- Iwas information overload, mag-unat-unat din pero huwag sosobra sa 10 mins.

6. Gumamit ng keywords at akronims- hindi naman kailangan magsaulo ng marami, keywords lang ang kailangan lalo na kapag  mahilig sa identification at enumeration ang prof mo.

7.Ihanda ang mga kagamitan- ayusin ang bag, siguraduhing may tinta ang ballpen o may tasa ang lapis, i-ready rin ang test permits,calculator,papel o anu pa man ang kailangan.

8.Humanap ng inspirasyon- mas masayang mag-aral lalo na kung may inspirasyon para goodvibes at ganadong magsagot.Hindi lang si crush bf/gf ang maaring magsilbong inspirasyon nandyan ang pamilya mo,bestfriend, friends o kaya si idol.

Sana makatulong ang mga tips ko :) Rock your Finals!



Huwebes, Setyembre 12, 2013

Bakit Masarap Pakinggan ang K-pop?


eh eh eh eh eh eh eh eh  2NE1
 Eh eh eh eh eh eh eh  You better ring the alarm...

Neomu neomu meotjyeo nuni nuni busyeo
 Sumeul mot swigesseo tteollineun girl
 Gee Gee Gee Gee Baby Baby Baby
 Gee Gee Gee Gee Baby Baby Baby

 Sorry Sorry Sorry Sorry
Naega naega naega meonjeo
Nege nege nege ppajyeo
Ppajyeo ppajyeo beoryeo baby





Ang mga linyang nasa itaas ay mga lyrics mula sa mga bantog na awitin ng mga k-pop groups na 2ne1, Super Junior at Girls Generation.Mga grupong tinitilian,kinagigiliwan at ginagaya ng mga kabataan.



Sa aking pagkakatanda  2009 naglabasan ang pangalan ng iba’t ibang mga grupo gaya ng 2ne1, Bigbang SuperJunior, SNSD, 2pm ,2am hanaggang sa dumami na ng dumami, iba’t iba mukha iba't ibang  tunog ,iba't ibang awitin, iba't ibang  genre na talaganag kinahumalinagan ng lahat ng mga pinoy na makikita sa Myx, MTv Youtube at maging sa mga magasin ,radyo at telebisyon.Bagong bago kasi ito sa pandinig at nakatutuwang panoorin ang mga Music Video. Ang iba pa nga ay ginagaya ang kanilang pananamit, hairstyle,dance moves  at sympre ang mga gestures.May mga naghahangad na nga ring pumunta ng South Korea at mag-aral ng Wikang Korean.




Kaya talagang malaki ang naging epekto nito sa pamumuhay ng mga Pinoy. Sa aking personal na opinyon talaga naman masarap pakinggan ang k-pop, sadyang nakakikiliti sa tainga at talagang nakakaindak at goodvibes ang hatid nito. Bonus na lang siguro ang mga outfit at looks ng mga kumakanta nito.Sa totoo nga ito nga rin minsan ang pampa-goodvibes ko at pampagising din ng utak lalo na kung kailangang mag-review



Wala naman akong nakikitang masama sa pakikinig sa k-pop, sa katunayan mayroon din c-pop(chinese pop),j-pop(japanese pop),taiwanese pop, thai pop at sympre hindi rin tayo pahuhuli ang p-pop. Mas magandang mayroon kang iba't ibang napakikinggan ,Oo masarap pakinggan ang k-pop ngunit hindi naman natin dapat kalimutang pakinggan ang mga awitin at  mga mang-aawitin ng ating lupang sinilangan.